LENI, TAKBO TAYO SA 2028!
The Issue
Isang Panawagan para sa Maginhawang 2028
Sa bawat pagtaas ng presyo ng bilihin, sa bawat manggagawang hindi sapat ang kinikita, at sa bawat kabataang nangangambang walang magandang kinabukasan, iisa ang ating hangarin: isang Pilipinas kung saan hindi pribilehiyo ang maginhawang buhay.
Pagod na tayong magtiis. Pagod na tayong umasa sa mga pangakong napapako. Ngunit hindi tayo pagod mangarap at manindigan para sa isang mas mabuting bayan.
Sa paglapit ng 2028, muli tayong nananawagan kay Leni Robredo na tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Hindi dahil isang tao lamang ang sagot sa suliranin ng bayan, kundi dahil naniniwala tayong posible ang pamumunong may husay, tibay, katapatan, at pananagutan.
Dahil hindi ito tungkol lamang sa eleksyon o kay Leni. Tungkol ito sa bawat ordinaryong Pilipino.
Tayo ang mga Pilipinong nangangarap ng sapat na sahod, abot-kayang bilihin, dekalidad na edukasyon, at kinabukasang may pag-asa. Tayo ang dahilan kung bakit kailangang magpatuloy ang laban para sa mabuting pamamahala. Hindi lang isang kandidato ang nais nating ipanalo, ang nais nating ipanalo ay ang Pilipino.
Para sa isang bansang hindi na kailangang magtiis para lamang mabuhay.
Para sa kinabukasang walang naiiwan.
Para sa maginhawang 2028.
LENI, TAKBO TAYO!
DISCLAIMER: All financial contributions or “chip-ins” will go directly to Change.org and will not be received by or go to the petition organizers.
You may download and print your own LENI TAKBO TAYO! sticker here:
tinyurl.com/LeniTakboTayo2028Sticker

10,695

Supporter Voices
Petition Updates
Share this petition
Petition created on November 11, 2026