
📣 Magandang araw mga KaBaraha,
Ikinagagalak naming ibalita na natanggap na ng PAGCOR kahapon (October 23) ang opisyal na liham ng ating mga abogado. 🎯
Ang liham na ito ay pormal na humihiling ng muling pagsasaalang-alang sa ating apela, partikular sa karapatan nating mga retirado na mapasailalim din sa benepisyo ng Compensation and Position Classification System (CPCS) as originally mandated by EO 203 (2016), at hindi tayo dapat iniwan at kinalimutan dahil sa arbitrary cutoff date ng EO 150 (2021).
Ito po ay unang hakbang lamang sa ating legal process upang mabigyan ng pagkakataon ang PAGCOR na itama ang naging di-makatarungang sitwasyon, bago tayo lumapit sa mas mataas na ahensya. Mayroon po silang takdang araw upang sumagot (15 days).
Naiintindihan namin ang inyong pananabik na agad maisampa sa Korte Suprema ang ating Petisyon, lalo pa’t matagal na nating hinihintay ang katarungan. Pero kailangan nating tandaan na ang tagumpay sa laban na ito ay nakasalalay sa maayos at kumpletong proseso, _hindi sa bilis ng kilos_.
Ang bawat hakbang, mula pagpapalawak ng ating hanay, sa pagsusumite ng SPAs, pakikipag-ugnayan sa PAGCOR at GCG, hanggang sa paghahain sa Supreme Court, ay kailangang dumaan sa tamang legal na landas. Ito ay hindi pagbabagal, kundi pag-iingat. Dahil isang maling hakbang lamang ay maaaring maibasura ang ating buong laban.
Tiwala tayo sa ating mga abogado na may malinaw na plano at timeline. Huwag tayong padala sa pagod, pusok o inip; tandaan, hindi ito sprint kundi marathon. 💪
🔹 Samantala---
* Siguruhing naisumite na ang inyong SPAs via courier (signed, notarized, at na-scan/email muna).
* Sa mga incomplete pa ang requirements, kumpletuhin niyo na upang mabigyan ng SPA.
* Patuloy na mag-ingat sa maling impormasyon o haka-haka; sundin lamang ang opisyal na announcements ng ating officers at lawyers.
* Ipasa at ikalat sa mga kakilala nating retirado ang ating petisyon at mga updates. Marami pa ang gustong sumama ngunit di lang alam kung paano, tulungan natin silang makahabol hanggang sa final deadline.
🔹 Tandaan natin
Hindi ito laban ng bilis, kundi laban ng tiyaga at katwiran. Ang PAGCOR at GCG ay may kani-kaniyang proseso, at ang ating mga abogado ay sumusunod sa tamang legal na hakbang upang hindi masayang ang ating pinaghirapan.
Ang mahalaga: tuloy-tuloy ang ating pagkakaisa, tiwala, at disiplina. Dahil sa dulo, ang tagumpay ay hindi lang para sa atin — _kundi para sa lahat ng mga retirado na pinaglaban ang dangal at hustisya_. 🇵🇭
We are giving PAGCOR and GCG the opportunity to do what is fair and just, before we take the next legal step.
Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta, nagpapadala ng requirements, at nagdarasal 🙏 para sa tagumpay ng ating layunin. Tuloy-tuloy lang po tayo — mahabang proseso ito, pero sama-sama tayong magtatagumpay. 💪🇵🇭