ISALBA ANG LAVARES-LABIOS ANCESTRAL HOUSE SA TAYABAS

The Issue
LAVAREZ- LABIOS ANCESTRAL HOUSE
Ang bahay na ito na matatagpuan sa kahabaan ng Tayabas-Sariaya Road, Brgy. Calumpang, Lungsod ng Tayabas ay pagmamay-ari ng mag-asawang Josefina Lavarez-Labios at Ideser Labios Sr. na kapwa may hilig sa musika. Tinatayang natapos ang nasabing bahay noong Hulyo 1952. Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ito ng kanilang mga anak na sina Daisy Labios, Ideser Labios Jr., Norberto Labios at Eduardo Labios.
Ayon kay Bb. Daisy Labios, panganay na anak ng mag-asawang Josefina Lavarez at Ideser Labios Sr., mahalaga ang ginampanan ng bahay nila sa mga nagdaang panahon. Tulad ng Daelo-Nagar Ancestral House, naging tahanan din ito ng mga miyembro ng Decemberian Club o grupo ng mga kilalang Kalumpangin. Nagsilbi rin itong pansamatalang silungan ng mga taga silangang kalumpang sa tuwing may sakuna tulad ng bagyo. Dagdag pa dito, naging sentro din ito ng mga gawaing pangkomunidad kagaya ng pagdaraos ng ibat ibang pagsasanay sa mga kababaihang kalumpangin sa tulong ng Rural Improvement Club o RIC kagaya ng pagluluto at pagpepreserba ng pagkain. Dito din madalas magkatipon-tipon ang mga kalumpangin sa tuwing magdaraos ng santacruzan, san isidrohan, pasyon, at iba pang mahahalagang kaganapan sa silangang bahagi ng Barangay Kalumpang. Samantala, naging shooting location naman ito ng pelikulang “Lukaret” ni Direktor Felino Tañada (+) noong 2008 na ginanapan nina Glydel Mercado, Ralph Darell Mateo, Maria Abulencia, Nick Pataunia at Nick Pedro noong taong.
Nitong nakaraang Agosto 2015 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pribadong sektor na may kinalaman sa proyektong SLEX-TR4 upang bigyan abiso sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento upang bigyang daan ang naturang proyekto. Sa kasamaang palad, lubhang maapektuhan ang lumang bahay dahil dito mismo sa kanilang kinatitirikan dadaan ang SLEX-TR4. Kaya naman, sa kabila ng natanggap na abiso, lubos na pagkadismaya at panghihinayang ang nadama ng pamilya.
Sa aming pakikipagpanayam kay Bb. Labios, labis ang kaniyang pagnanais na maisalba ang kanilang bahay sa naturang proyekto hindi lamang dahil sa lumang disenyo nito bagkus sa maraming ala-ala na nakakubli dito lalong-lalo na ang mga mahalagang pangyayari sa kanilang pamilya at ang pagdaraos ng iba’t ibang gawaing pangkomunidad. KUNG KAYA NANAWAGAN TAYO SA MGA AHENSYA AT PRIBADONG SEKTOR UPANG MAISALBA ANG LUMANG BAHAY NA ITO. Bagamat may batas na maaari nilang kunin ang lupain na madadaaanan ng mga pagawaing pampamahalaan, TANDAN NATIN NA MAY BATAS DING PUMOPROTEKTA SA MGA LUMANG BAHAY NA UMEEDAD SA LIMAMPUNG (50) TAON AT HIGIT PA. ITO AY SA PAMAMAGITAN NG BATAS REPUBLIKA BILANG 10066 o NATIONAL HERITAGE ACT OF 2009.
Ang lumang bahay na ito ay nasa humigi’t kumulang pitumpung taon ng nakatayo at isa sa mga pinakalumang bahay na saksi sa mga mahahalagang pangyayari naganap sa Bayan ng Tayabas partikular na sa Barrio Kalumpang. Kung kaya, hinihikayat namin kayo na aming mga KAPAMANA na samahan kami sa panawagang ito upang MAISALBA at maiiwas sa pinapangambahang pagkasira. Umaasa tayong may mga iba pang hakbang ang mga ahensya upang maipagpatuloy ang proyekto habang napapangalagaan ang mga yamang kultural.

190

The Decision Makers
Petition created on February 3, 2024