Gawing GWA-Based ang Latin Honors Qualifications sa BulSU (Bulacan State University)!

Recent signers:
Abigail David and 19 others have signed recently.

The Issue

#OneMoreChance ang panawagan! Gawing GWA-based ang Qualifications for Latin Honors.

Ano ang lagay ng BulSUANS ngayon? 

Sa pagtatapos ng ikalawang semestre ng taong ito, dama na ng mga estudyante ang mabigat na epekto ng Zero-Based Grading System (ZBGS). Lantad ang hindi maayos na implementasyon, kakulangan sa konsiderasyon, at tila walang saysay na pagpapatupad ng grade consultation sa ating pamantasan. Kaya naman, simple at makatwiran ang ating panawagan — gawing pangunahing batayan ang cumulative GWA sa pagkakaloob ng Latin Honors!

Hindi makatarungan na mawalan ng pagkakataon ang isang BulSUan na may mataas na GWA na makamit ang parangal tulad ng Cum Laude, Magna Cum Laude, o Summa Cum Laude, dahil lamang sa isa o dalawang subject na may 2.50, 2.75, 3.00, o 5.00 na marka. Hindi nito lubusang naipapakita ang buong academic performance at dedikasyon ng isang Iskolar ng Bayan.

Hindi na bago ang ganitong konsepto. Sa katunayan ang mga malalaking unibersidad tulad ng UP, Ateneo, at UST ay matagal nang GWA ang batayan para sa Latin Honors. Kung sinasabi nating gusto nating makapag produce ng globally-competent na mga graduates, bakit parang sinisikil ang recognition ng mga mag-aaral imbis na pataasin ang kalidad ng edukasyon?

Ang ating panawagan para rin sa mga working students at iba pang minoryang sektor sa loob ng ating pamantasan na madalas hindi nabibigyan ng konsiderasyon. Nararapat lang na bigyang espasyo ang pagkilala at konsiderasyon para sa mga sakripisyong kanilang pinagdaraanan.

BULSUAN, ano ang pwede mong gawin?

  • Ang paglada at pagsuporta sa petisyong ito upang hikayatin ang BulSU Administration na baguhin ang mga pamantayan para sa Latin Honors at gawing GWA-based ay isa lamang sa mga hakbang upang ipahayag ang ating protesta
  • Maging aktibong katalista sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga estudyante sa ilalim ng Zero-based grading system. 

Dinala natin ang panawagang ito sa katatapos lamang na SG Elections 2025 — at hindi tayo titigil hangga’t hindi natin natatamasa ang isang Bulacan State University na may tunay na consideration at pagkalinga para sa kanyang mga mag-aaral. Dahil mas masarap mag-aral kung alam mong may pagkakataon ka pa. 

Kaya kung naniniwala ka sa second chances, sumama ka sa ating paglaban!

#GWABasedLatinHonorsNow
#BulacanStateUniversity
#KASAMABulSU

Para sa mga katanungan, mangyaring bisitahin ang aming Facebook page

Maging bahagi ng pagbabago, sumali sa KASAMA BulSU

avatar of the starter
KASAMA BulSUPetition StarterAng Katipunan Student Movement (KASAMA) ay isang student political party sa Bulacan State University na lumalahok sa mga isyu ng lipunan upang magsilbing tulay sa mas malawak na paglaban ng komunidad, habang nagsisilbi sa interes ng mamamayan.

4,017

The Decision Makers

Dr. Teody C. San Andres
Dr. Teody C. San Andres
University President, Bulacan State University
Petition updates