Petitioning Senators of the Republic of the Philippines

Junk Death Penalty! #LakbayBuhay

Sa aming mga halal na mga Senador lalo na sina Senador Poe, Binay, Gordon, Zubiri, Honasan, Villar, Recto, Pimentel, Angara, Legarda, at Villanueva:

Kami ang mga mamamayang naniniwala na ang parusang bitay ay hindi makatao, illegal, hindi epektibo, at kontra mahirap. Hinihikayat po namin kayong huwag ipasa sa Senado ang anumang panukalang batas na muling magpapataw ng bitay sa ating bansa.

Hindi makatao ang parusang bitay. Mahalaga ang buhay at sinumang nagkasala sa batas ay dapat parusahan nguni’t mahalagang mabigyan pa rin ng pagkakataong magbagong buhay. Habang paparami at umabot na sa 141 bansa o dalawa sa tatlong bansa sa daigdig ang itinatakwil ang parusang bitay, hindi dapat papa-urong ang Pilipinas at muling ipapataw ito.

Ilegal ang parusang bitay. Lalabag ang bansa sa Second Optional Protocol ng International Covenant on Civil and Political Rights, isang pandaigdigang kasunduan ukol sa parusang bitay na pinirmahan nito noong Nobiyembre 2007. Mawawalan ng kredibilidad ang bansa sa mata ng pandaigdigang pamayanan ng mga bansa kapag muli nitong ipinataw ang parusang bitay.

Hindi epektibo ang parusang bitay. Wala anumang pag-aaral na nagbibigay ebidensiya na napipigilan ng parusang bitay ang krimen. Bagkus kabaligtaran ang nangyari sa Pilipinas noong panahon ng administrasyon ni Ramos. Tumaas ng 15.3 porsiyento (82,538 mula 71,527) ang krimen sa bansa isang taon mula noong muling ipataw ang parusang bitay noong 2003.

Kontra-mahirap ang parusang bitay. Hindi Diyos ang mga huwes na hindi nagkakamali at hindi perpekto ang ating sistema ng paggagawad ng katarungan. Bagkus sa ating bansa, sa kakapusang makakuha ng magagaling na abugado at may nabibiling mga Huwes, mahihirap ang karamihang napaparusahan ng bitay, at ang iba sa kanila ay pinapaniwalaang inosente. Mahihirap lahat ang pitong binitay mula nang bitayin si Leo Echegaray noong 1999 at tinatantiyang isa sa pito ay inosente. Sa paglabag sa kasunduan, mapipilitan ang European Union na muling ipataw din ang buwis sa 6,000 produktong galling sa Pilipinas. Magbubunsod ito ng pagkalugi ng bansa ng tinatantiyang 12.8 bilyong dolyar sa kalakalan taun-taon at pagkawala ng 200,000 trabaho o pagbaba ng kita ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawang nagluluwas ng kalakal tulad ng saging at tuna patungong European Union.

Imbes parusang bitay, parusang magpapanumbalik sa katinuan ng mga preso ang isabatas at gawing mas makatao ang mga kulungan at ang sistemang pangkatarungan. Gaano man kasama ang nagawang kasalanan ng taon, habang buhay siya ay maaari siyang magbago. Marami tayong halimbawa nito at ang ilan sa kanila naging santo pa tulad ni San Pablo na dating nangunguna sa pagpatay ng mga Krisiyano sa Imperyo Romano. Ikalawang panukala namin ay pagtuunan ng oras ng mga Senador ang pagpasa ng mga batas na nagbibigay kabuhayan hindi kamatayan at tumutugon sa mga ugat ng krimen tulad ng kahirapan at kawalang katarungang panlipunan. 25 milyong mahihirap na Pilipino ang maaring umunlad kung ipapasa ng kongreso lalo na ng Senado ang mga panukalang batas sa repormang agraryo, national land use, coco farmers trust fund, participatory budgeting, conditional cash transfer, agri-fishery-forestry cooperatives, pabahay sa mahihirap, food security, at pagbasura sa mga batas o proyektong sumisira sa kalikasan at sa mga pamayanan ng mahihirap tulad ng APECO o ng Centennial Dams.

“Buhay hindi bitay. Kabuhayan hindi kamatayan.”
Lakbay Buhay Coalition

Samahan kami sa mga gaganaping pagkilos sa mga sumusunod na lugar

May 4-7 Cagayan De Oro
May 7 Send-off Mass with Archbishop Ledesma
May 8 Cebu
May 9 Tacloban
May 10 Borongan
May 11 Catarman
May 12 Irosin
May 13 Legazpi
May 14 Naga
May 15 Gumaca
May 16 San Pablo
May 17 Lipa
May 18 Imus
May 19-24 Katipunan Ave., Metro Manila
May 21 University of Sto. Tomas Interreligious Prayer and Holy Mass
May 24 Senate of the Philippines

This petition will be delivered to:
  • Senators of the Republic of the Philippines

    Lakbay-Buhay Coalition started this petition with a single signature, and now has 309 supporters. Start a petition today to change something you care about.




    Join others supporting this cause