STOP the DEMOLITION of BAUAN EAST CENTRAL SCHOOL in Batangas

The Issue

  • Itinakda ng halos 19 na taong Dinastiyang Dolor ng Bauan, Batangas ang pagpapagiba at gawing Central Transport Terminal ang may mahigit 100 taon na Bauan East Central School (BECS) at ilipat ito sa campus ng Bauan Technical High School. Apektado dito ang may 2,200 mag-aaral, at mahigit 50 silid-aralan.

  • Plano ni Mayor Herminigildo "Hermie" Dolor na kapag natapos na ang 3 palapag na gusali na ipinagagawa ng Comnet Management Corporation sa loob ng bakuran ng Bauan Technical High School ay uumpisahan nang gibain ang BECS. Ang kasalukuyang lugar nito na mababakanteng lote na pag-aari ng Munisipyo ay papatayuan ng isang malaking Transport Terminal para umano maibsan ang "traffic" at ipapamahala sa Comnet, isang pribadong negosyo.

  • Ganunpaman, malinaw na hindi solusyon sa "traffic" ang Transport Terminal kungdi makakadagdag pa sa traffic lalo't ang Kapitan Ponso Street kung nasaan ang BECS ay matatawag na isang "busy" na kalye. Kaya kung gusto lang ng administrasyong Dolor na magkaroon ng pribadong Transport Terminal ang Bauan ay pwede naman itong ipatayo sa ibang lupa na hindi mismong sa busy na kalye sa sentro ng kabayanan.

  • Napaka-makasaysayan ng Bauan East Central School na ito para ipagpalit lang sa isang Transport Terminal. Ang "historical sentimental value" ng paaralang ito ay hindi mapapantayan ng kahit na ano pang magandang pwedeng maidulot ng Transport Terminal.

  • Ang Bauan East Central School ay isa nang "Landmark" o' palatandaan kung nasaan ang kabayanan ng Bauan ng may mahigit 100 taon na.

  • Dahil dito, nananawagan tayo sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte, National Historical Commission, Department of Education, at kay Gobernador Hermilando I. Mandanas na HADLANGAN at huwag pabayaang matuloy ang napipintong paggiba sa Bauan East Central School.

  • "SAVE BAUAN EAST CENTRAL SCHOOL FROM IMMINENT DEMOLITION"
This petition had 387 supporters

The Decision Makers

President Rodrigo Roa Duterte
President Rodrigo Roa Duterte
President of the Philippines
NCCA Chairman Felipe de Leon
NCCA Chairman Felipe de Leon
National Commission for Culture and the Arts

Petition Updates

Share this petition

Petition created on August 10, 2016