
Mga kababayang Robloxians,
Aming masayang ibinabalita sa inyong lahat na ang Roblox ay magpapatuloy pa rin sa ating bansa! Isa itong malaking hakbang para sa ating lahat.
Nagpapasalamat kami sa DICT, CICC, sa mga ahensya ng gobyerno, at sa Roblox Corporation sa inyong kooperasyon at pakikinig sa aming panawagan tungo sa regulasyon, hindi restriksyon.
Nagpapasalamat din kami sa mga tumindig at lumaban para sa ating mga karapatan sa digital at sa ating malayang pagpapahayag: sa aming mga convenors, chief affiliates, developers, speakers, staff, at lalo’t higit sa lahat ng sumama sa amin. Para sa ating lahat ang matamis na tagumpay na ito.
Ngunit hindi pa tapos ang ating laban. Ipagpapatuloy pa rin natin ang ating hangarin na gawing ligtas at seguridad ang platform para sa lahat at sa tunay na reporma. Gabayan natin ang isa’t isa, lalo na ang mga magulang, na turuan at disiplinahin ang kabataan sa wastong paggamit ng social media. At patuloy din tayong bumoses sa mga isyung nakaaapekto sa ating bansa.