
IKAPITONG ARAW NA NG ATING ALAY-LAKAD
Sa ilalim ng init at ulan, isang linggo nang naglalakad ang ating 300 marchers at papalapit na sila sa Maynila para dalhin ang kanilang mga panawagan sa harap ng Malacañang. Ngayong umaga, makulimlim man, tumulak sila mula Teresa patungong Antipolo, Rizal.
Kahapon, February 20, nagsumite ng liham ng pagtutol ang ating mga lider katutubo at kinatawan ng komunidad sa National Commission on Indigenous Peoples patungkol sa awarding ng PhP 80 M “disturbance fee” sa mga pamilyang apektado umano ng dam (basahin ang buong pahayag dito). Matatandaang napakaliit na bilang ang kinokonsidera ng mga ahensya ng gobyerno at ng MWSS na apektado ng Kaliwa Dam.
Malakas at mahalaga ang mensahe ng Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam. Isanib pa natin ang ating boses dito! Ibahagi ang petisyon na ito (change.org/stopkaliwadam) para umabot tayo ng 500,000 na pirma kasabay ng pagdating ng Alay-Lakad sa Malacanang sa Pebrero 23.
Madaraanan ba ng Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam ang inyong kabahayan? Welcome na welcome ang suporta at tulong (tubig, pagkain, gamot) sa ating marchers!
Paano pa natin sila masusuportahan?
- I-like at follow ang mga social media account para sa mga update: Facebook, Twitter, Instagram @stopkaliwadam
- Mag-post ng story o litrato sa social media bilang suporta gamit ang ating hashtag #StopKaliwaDam
- Pirmahan at ibahagi ang petisyon: change.org/stopkaliwadam
- Suportahan ang Alay-Lakad: bit.ly/supportalaylakad