Kampanya güncellemesiIncrease Philhealth-covered Hemodialysis Sessions to 156 per yearPoster sa mga Dialysis Center
RONALDO VILLAROSAQuezon City, Filipinler
19 Mar 2019

Hi po! Nakikiusap po ulit kami na i-download and print ninyo yung poster na i-denisign namin para mahikayat ang lahat na mag signup sa petition natin na dagdagan ng PhilHealth ang hemodialysis session from 90 sessions to 156 sessions.

Ang poster (A4 Size lang naman) ay makukuha dito: http://www.shellarts.com/petition156.jpg

Makiusap lang po kayo sa inyong kakilala na merong computer and printer para ma print yung poster. Alam na po nila ang gagawin.

Matapos ma print, makiusap po tayo sa dialysis center natin na i-lathala o idikit sa bulletin board o entrance wall or mismo sa pinto para makita ng lahat.

Paki picturan po ng cellphon pag naka dikit na at i-post sa facebook dialysis group natin para mahikayat ang lahat na mag post din.

Para po sa ating lahat ang petition na ito ngunit lalong lalo na dun sa pag ubos na ng 90 sessions mula sa PhilHealth ay di na malaman kung saan kukuha ng pera para makapagpadialysis.

Maraming Salamat po.

ps. Kung merong Graphics Artist dyan na meron time gumawa ng ibang version ng poster, mag email po sa ronaldovillarosa@gmail.com

Ang pinaka importante lang ay maintindihan ng hindi marunong sa computer kung paano magsignup. Yung Steps 1 to 4, kung pwedeng ma tagalog and mapalawak ang paliwanag.

 

 

Hemen destekle
Bu kampanyayı imzala
Bağlantıyı kopyala
WhatsApp
Facebook
X
E-posta