PETISYON PARA SA MAKATARUNGANG PAGBABAGO SA CASA AMAYA SUBDIVISION AMAYA I, TANZA CAVITE
The Issue
Kami na mga residente, homeowners, at pamilyang naninirahan sa Casa Amaya Subdivision, Amaya 1, Tanza, Cavite ay nagkakaisang naghahain ng petisyong ito laban sa kasalukuyang private water provider na Good Hands Water Specialist Inc. at sa developer na Peakland Development Corporation.
Nais naming iparating sa National Government, Provincial Government ng Cavite, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Water Resources Board (NWRB), sa Lokal na Pamahalaan ng Tanza, at sa Tanza Water District ang aming matinding paghihirap at pagnanais na makawala sa serbisyo ng Good Hands Water Specialist Inc dahil sa napakasamang serbisyo, kapabayaan, at paglabag sa batas ng mga nabanggit na kompanya.
Lahat ng Aming Mga Reklamo at Patunay ng Kapabayaan:
1.Laging Nawawalan ng Tubig nang Walang Abiso: Tuwing oras ng pangangailangan ay bigla na lamang napuputol o nawawalan ng tulo ang aming mga gripo nang walang anumang abiso o paunang babala. Ang masama pa, dahil walang nakaduty na personahe o tauhan ng nasabing kompanya, kaya atrasado at tumatagal ng ilang araw ang problemang ito.
2. Napakataas na Singil sa Tubig: Napakamahal ng kanilang buwanang singil sa tubig na hindi katanggap-tanggap at sobrang bigat sa bulsa kumpara sa pamantayang singil ng pampublikong utility.
3. May mga units na identified na may Fast moving na Water meters pero gusto pang pagkakitaan ng kompanyang ito: Sapilitang pinagbabayad ng Php2,700 para mapalitan ang metro na dapat ay obligasyon nilang palitan ng libre at otomatikong ire-compute ang mga past billings na nasingil nila ng mataas. Dapat may refund o credit sa account ng mga consumers. Isinasama narin namin ang ilegal at maya't-maya nilang pagpapalit ng ng reading dates na nakakaapekto sa DUE DATES. Dahil sa mga gawain nilang ito, sapilitang pinagbabayad ang mga consumers ng penalty fees nila na hindi bumababa sa Php50.00. Ginagawa nila ang rampant na style na ito dahil alam nila na ang karamihan sa nakakuha o nagmamay-ari ng units dito ay mga nagtatrabaho sa malalayong lugar (Hal. Metro Manila) para kapag lumagpas sila sa pabago-bagong due dates, easy money para sa kanila ang makapangolekta ng late fees, mahal na reconnection fees etc...
4. Hindi Umaaksyon sa Billing Disputes at Reklamo: Tahasang pinapabayaan, hindi umaaksyon, at walang malinaw na tugon ang provider kapag naghahain kami ng reklamo hinggil sa mababang kalidad ng kanilang serbisyo at mga mali o kwestyonableng billing.
5. Masama at mababang Kalidad ng Tubig (Bad Water Quality): Ang tubig mula sa kanilang deep well ay hindi maayos, sub-standard, may amoy/makalawang. Hindi ligtas para sa pang-araw-araw na paggamit ng aming mga pamilya.
6. Hindi Pagsunod sa mga Utos ng NWRB : Ang may akda ng Petisyong ito ay nagkaroon ng opisyal na meeting sa NWRB kung saan iniharap ang mga reklamo at binigyan ang provider ng limang (5) araw upang solusyonan ang mga reklamo /problema, pinalipas lamang nila ito nang walang aksyon. Hindi rin sila sumusunod sa mga direktiba tulad ng pagpapaskil ng opisyal na anunsyo hinggil sa rates sa gate ng subdibisyon. Pinayuhan din sila na iimprove ang mabilis na maburang kopya ng bill (SOA), ilagay sa plastic ng yelo nang sa gayon ay hindi nababasa at nabubura kapag umuulan at iniiwan lamang sa mailbox o iniipit sa gate. Hiningan din sila ng detalyadong billing dahil sa kawalan ng sapat na detalye ukol sa breakdown ng ibinibigay nilang bill kung magkano ang regular rates at kung anu-ano pa ang nakapaloob na items sa mataas nilang bill na kanilang sinisingil sa mga consumers, pero wala ring malinaw na aksyon.
7.Pamumutol ng Tubig nang Walang Abiso : Basta nalang nagpuputol ng linya nang walang nararapat na paunang abiso o due process sa mga residente.
8. REKLAMO SA PEAKLAND: Ilegal na Pag-ipit sa Pamamahala, Pangingikil ng Fees, at Pagkontrol sa Gate ng Subdibisyon: Ayon sa Section 20 ng Republic Act No. 9904 (Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations), kapag nabenta at naisalin na ang 50% ng mga units sa subdibisyon, obligasyon ng developer na i-turnover ang pamamahala at mga pasilidad sa Homeowners Association (HOA). Sa kabila nito, patuloy na nakikialam ang Peakland / developer sa operasyon ng subdibisyon at nagpoposte pa rin ng sarili nilang mga security guard sa gate para humarang at manghimasok.
Sa kagustuhang patuloy na kumita, patuloy na nanghaharass at nanghaharang ng mga residente ang mga guards ng developer (Peakland) sa gate upang sapilitang makakuha ng bayad sa Bond—na ayon sa maraming residente ay hindi na nai-refund dahil sa mga imbentong teknikal na paglabag. Upang masiguro ring kumikita sila, kahit ang simpleng repair ng internet ay ayaw nilang papasukin sa subdibisyon hangga't hindi nagbabayad ng permit fee sa kanila, na malinaw na paglabag sa batas. Ito at marami pang paglabag ng developer kagaya ng sinasadyang nawawalang record para hindi rin makapag refund ng Advance payments para sa kuryente at tubig.
Ang Aming Matibay at Solidong Hiling:
- Ideklara silang "Unfit" at Incapable: Hinihiling namin sa National Government, NWRB, DHSUD, sa LGU ng Tanza, at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite na opisyal nang ideklarang Unfit for doing professional and acceptable business practice at incapable ang Good Hands Water Specialist Inc. dahil sa kawalan ng maayos na serbisyo.
- Hinihiling din namin na matanggalan ng poder ang Peakland o ng Homemark at ideklarang ilegal ang pananatili ng kanilang mga guards sa gate ng Subdibisyon para pwersahing pagbayarin ng Bonds atbp gaya ng bayad umano sa Permit para makapagpakabit at makapag-paayos ng linya o serbisyo ng internet ang mga residente. Makapasok ang iba ang ISP para mas dumami kompetisyon at magkaroon ng maraming pagpipiliang serbisyo ang mga residente.
- Hinihiling din namin na irelease ng Peakland o ng Homemark ang matagal na nilang kinolektang Php500 na bayad bilang Membership Fee sa HOA na mismong nakapaloob o makikita sa aming Turnover documents. Sa kasalukuyan, ilegal na nanghihingi ng Membership Fee ang HOA sa lahat ng Homeowners. Ilegal ito dahil ang bawat homeowners ay kinolektahan na ng Peakland o ng Homemark ng paunang Membership Fee na Php500.00. Ang pwersahang paniningil ng HOA ng karagdagang Php250 Membership Fee para sa nasabing kaparehong purpose ay hindi na makatarungan at labag na sa batas. Kinakailangang magkaroon ng pangil ang HOA na hingin ang poder at wag nang pakialaman pa ng developer sa pagmanage ng Subdibisyon at ang nakolektang bayad ng mga unit owners (homeowners) ng nasabing developer.
- Kinakailangan ding maobliga ang HOA na magpasa ng resolusyon, magkaroon ng 15 days publication o pagpapabatid o paunawa (kung kinakailangan ay magkaroon ng public hearing muna) bago magpasa at magpatupad ng mga batas, polisiya o alituntunin sa ating komunidad, kagaya ng pagpaparehistro ng mga sasakyan na kasalukuyang nakapaskil sa unahan ng gate ng subdibisyon. Ayon sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Reuben Mikhail P. Sabing et al ng La Costa Brava Homeowners Association Inc vs. Spouses Linley at Juvy Retirado with SC's GR Number: 278137, ay hindi maaaring pagbawalan ng HOA and pagpasok ng mga homeowners o residente, rehistrado man o hindi ang kanilang sasakyan, kasama na ang paglabas masok ng mga deliveries, taxi, grab atbp kahit hindi nakakapagbayad ng membership fees ang maybahay, residente o homeowner ng subdibisyon. Karapatan ng bawat isa na malayang magamit ang mga kalsada anomang oras nilang naisin. Kailangang mai-pattern o maiayon sa batas ang lahat ng polisiya o ordinansang ipatutupad ng mga opisyales ng HOA. Kung hindi ay may karampatang parusa ang husgado laban sa sinomang opisyales na abusado at mapaniil na pagpapatupad ng kanilang mga patakaran.
- Payagan ang malayang pagpasok ng serbisyo ng Tanza Water District: I-authorize at payagan agad ang Tanza Water District na maglatag ng sariling linya at direktang mag-supply ng malinis, sapat, at abot-kayang tubig sa Casa Amaya Subdivision.
- I-atras ang Exclusivity Contract sa Lahat ng Utility Companies: Ipawalang-bisa at buwagin ang anumang eksklusibong kontrata o exclusivity clause ng developer sa lahat ng utility companies (lalo na sa tubig at Internet) upang magkaroon ng malayang kompetisyon, mapababa ang presyo, at gumanda ang serbisyo sa komunidad.
- I-turnover ang Pamamahala at Mapaalis ang Guards ng Developer sa gate ng subdibisyon: Hinihiling namin sa DHSUD, National Government, at LGU na atasan ang Peakland / developer na ibigay na ang buong pamamahala ng subdibisyon sa HOA, at tanggalin ang kanilang mga guards sa gate upang ang HOA na ang mamahala sa security at operasyon. Sa ganitong paraan ang mga simleng repairs ay hindi na kailangan ng stress at karagdagang gastos sa pagbabayad ng bond na hindi alam ng aming komunidad o ng mga residente, kung saan napupunta ang mga ibinabayad na bonds dahil sa kawalan ng visible na pagunlad o improvement measures sa buong komunidad. PARA SA MGA APEKTADNG RESIDENTE NA NAGNANAIS MAKAKITA NG PAGBABAGO, MANGYARING ILAGAY ANG INYONG PANGALAN (Detalyeng hinihingi ng form) at i-share ang petisyon na ito upang matigil na ang kawalan ng katarungan at makuha na natin ang karapatan sa malinis at sapat na tubig at sariling pamamahala sa Casa Amaya Subdivision!

23

Petition Updates
Share this petition
Petition created on September 29, 2026