Petition updatePanawagan sa BulSU Admin: Ideklarang walang pasok sa Feb. 25!BUKAS, SUMAMA SA PAGKILOS! IPAALALA ANG LAKAS NG EDSA!
KASAMA BulSUBulacan, Philippines
24 feb 2025

Wear black on Tuesday!

Matapos ibasura ang petisyon ng mahigit 5,000 BulSUAN, insulto para sa mga bayani ng Martial Law ang naging tugon ng admin. Iminungkahi ng administrasyon na “susuportahan” na lang nila ang mga aktibidad para sa EDSA commemoration imbis na kanselahin ang klase at kilalanin ang People Power bilang isang public holiday.

Kung ang institusyong inaasahang maging bastyon ng demokrasya at katotohanan ay nagiging kasabwat ng estado upang burahin ang kolektibong ideya ng paglaban at pag-aalsa ng mamamayan – responsibilidad ng bawat kabataan ang lumabas sa apat na sulok ng silid-aralan at lumaban.

Bukas, magsuot ng itim bilang protesta. Magsisimula ang ating martsa sa Mendoza Hall (CSSP Bldg.), 11:30 nang umaga at magtatapos sa Heroes Park. Magdala ng sariling bulaklak at kandila upang gunitain ang mga Martir at Bayani ng Martial Law. 

#NeverAgainNeverForget
#EDSAPeoplePower
#ResurfaceDesaparecidos
#KASAMABulSU
#BulacanStateUniversity

Para sa mga katanungan, mangyaring bisitahin ang aming page

Maging bahagi ng pagbabago, sumapi sa KASAMA BulSU

Copy link
WhatsApp
Facebook
X
Email