Pambansang Palista

0 have signed. Let’s get to 7,500!


Sumusulat po ako sa inyo bilang kinatawan ng Philippine Association of Store and Carinderia Owners (PASCO). Lumalapit kami sa inyo upang hingin ang inyong tulong. 


Noong 31 May 2017, ang Kamara ay nagpasa ng panukalang batas na magpapataw ng karagdagang P10 hanggang P20 kada litro na bagong buwis sa mga pang araw-araw na inumin katulad ng:

 
Nescafe 3-in-1 (mula sa Php 5 ay magiging Php 8 kada sachet)

Tang Juice Drink (mula Php 9 ay magiging Php 30 kada sachet)

Coke Litro (mula Php 28 at magiging Php 50 kada litro)

 Kaugnay po nito, nais po naming iparating ang mariing pagtutol ng libu-libong miyembro ng PASCO sa pagsama ng HB 292 o Sweetened Beverage Tax (SSB) na isinama sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ng pamahalaan. Magmamahal po ang mga tinda naming kape, juice, energy drinks, at softdrinks kapag naisabatas ang dagdag na Php10 hanggang Php20 buwis. Dagdag na pasanin po ito sa mahihirap na karaniwang tumatangkilik sa aming mga sari-sari store at karindirya. Pasakit din po sa amin ang magiging pagliit ng aming kita. 


Ang bagong buwis sa mga nasabing inumin ay hindi maka-masa. Ang higit na tatamaan nito ay ang mga maliliit na sari-sari store maliban sa mga ordinaryong Pilipinong kumokonsumo ng nasabing produkto. Base sa pag-aaral ng aming mga miyembro, halos 40% ng kanilang benta ay nanggagaling sa mga inumin. Sa inaasahang pagtaas ng presyo ng mga ito dahil sa bagong buwis, ang mga kumokonsumo nito na pawang mahihirap din ay hindi na makakayanang bumili pa ng mga produktong ito. At sa pagbaba ng ating benta, mawawalan na kami ng pangtustos sa mga pangangailangan ng aming pamilya. 


Gusto namin maiparating sa ating mahal na Pangulo na salungat po sa kaniyang layunin para sa ating bansa at sa ating mamamayan na karamihan po ay mga maralita ang HB 292. May ilang mambabatas na nagsasabing mayaman lamang ang tatamaan ng dagdag na buwis. Hindi po ganito ang mangyayari sa HB 292. 


Unang-una, sa pagbaba ng personal na buwis, hindi naman ang mahihirap na kumikita ng minimum wage ang makikinabang. Datapwa’t sa HB 292 ay madadagdagan pa ang pang-araw-araw na gastusin sa parehong kita ng mahihirap. 


Nauunawaan namin na kailangan ng ating gobyerno ng pondo para sa mga proyekto. Sinusuportahan po namin iyon. Ngunit panawagan namin na huwag naman sanang sa mahihirap din kunin ang pondong ito.


Kung kayo ay sumasang-ayon sa aming adhikain, sana ay pirmahan ninyo ang aming petisyon na ipapadala sa Senado at kay Pangulong Duterte. 


Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa amin.



Today: PASCO is counting on you

PASCO and Filipino People needs your help with “Pambansang Palista”. Join PASCO and 6,816 supporters today.