Palayain ang Manunulat-Aktibistang si Amanda Echanis!

The Issue
Ipinapanawagan naming mga manunulat, iskolar ng panitikan at malikhaing pagsusulat, artista at iba pang alagad ng sining, ang agarang pagpapalaya sa kasamang manunulat at aktibistang si Amanda Socorro Lacaba Echanis, na ngayon ay apat na taon nang nakakulong para sa gawa-gawang kasong isinampa sa kanya noong 2020.
Isa si Amanda sa mga naging biktima ng red-tagging at panunupil ng estado sa panahon ng COVID-19. Matatandaan ding pinatay ang kanyang amang lider-magsasakang si Randall Echanis ilang buwan bago ang pag-aresto kay Amanda. Ilan lamang sila sa mga aktibista, organisador, at manggagawang kultural na nakaranas ng pandarahas at represyon sa panahong ang higit na kailangan ay kalinga, kabutihan, at kaligtasan.
Sa gitna ng kanyang pagkakaaresto, ipinagpapatuloy ni Amanda ang paglikha ng mga akdang humihiraya sa isang mas makatarungang mundo, habang nagpapatuloy din sa paghahasa ng kanyang kakayahan sa malikhaing pagsulat. Nakalahok siyang muli sa mga online na klase sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, at naging writing fellow din sa ika-17 Palihang Rogelio Sicat, na isa sa mga kinikilalang pambansang palihan sa malikhaing pagsulat sa Filipino. Inilabas din ang kanyang aklat na Binhi ng Paglaya noong 2023, kung saan tinipon ang kanyang mga tula, kuwento, sanaysay, at liham. Habang kahanga-hanga ang kanyang sipag at tapang sa paglikha habanag nasa kulungan, ang higit na magtatampok sa hinihiraya niyang mabuting mundo ay ang pagpapalaya mula sa kanyang pagkakakulong, kasama ng iba pang mga manlilikha, iskolar, at organisador na nakakaranas ng parehong kalagayan. Kaya naman isinusulong namin itong petisyon at panawagan.
Ang agarang pagpapalaya kay Amanda ay pagtatanghal na may kabutihan at katarungan pa sa ating lipunan sa gitna ng nakaparaming kumplikadong sigalot at kawalan ng hustisya. Bilang mga alagad ng sining, marapat nating suportahan ang mga kasamang manlilikha laban sa mga ahensya ng pagsikil, panunupil, at pagpapatahimik.
#FreeAmandaEchanis
#NoToRedTagging
#FreeAllPoliticalPrisoners
#StopTheAttacks
Panimulang Listahan ng mga Lumagda:
Ricky Lee, Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikulan at Broadcast Arts
Gemino Abad, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
Jimmuel C. Naval, Dekano, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman Schedar DT Jocson, Tagapangulo, UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman
Will P Ortiz, Tagapag-ugnay ng Larang ng Malikhaing Pagsulat, UP DFPP
Vladimeir B. Gonzales, Direktor, Likhaan: UP Institute of Creative Writing
Jun Cruz Reyes
Eugene Y. Evasco
Elyrah L. Salanga
Rex Nepomuceno
Erik Pingol
RC Placido
Billy Ibarra
161

Petition Updates
Share this petition
Petition created on December 16, 2024