IHINTO ang implementasyon ng PROVINCIAL BUS BAN sa Metro Manila

The Issue
Kaming mga probinsyanong nagbabyahe mula sa aming mga probinsya sa iba't ibang parte ng Luzon ay mariing tumututol at nananawagan sa MMDA na AGARANG IPAHINTO ang implementasyon ng PROVINCIAL BUS BAN sa Metro Manila, batay sa mga sumusunod:
*Hindi naman provincial buses ang pangunahing sanhi ng buhul-buhol na traffic sa Edsa. Sa datos ng gobyerno, may 12,595 ang nag-oopereyt sa Metro Manila, at sa bilang na ito, 7,252 bus lamang ang nagpaparoo't parito sa byaheng probinsya-Metro Manila at vice-versa. Samantala, may 2.5 milyong sasakyan sa Metro Manila. Ibig sabihin, pagbabawas ng o pagkontrol sa mga pribadong sasakyan sa Metro Manila ang isa sa unang dapat binibigyang-pansin, bago pagdiskitahan ang mga provincial bus na wala pang 1% ng kabuuang bilang ng sasakyan sa Metro Manila.
*Ipagpalagay man na nakakatraffic ang provincial bus, hindi pa rin magiging solusyon ang PAGBABAWAL sa mga provincial bus sa Metro Manila dahil kung ipagbabawal ang provincial bus, kakailangan din ng KARAGDAGANG city bus mula sa mga terminal sa Paranaque at Valenzuela - bagay na makakadagdag sa traffic kung magkaroon man ng karagdagang city bus. Malinaw na manganganak lang ng karagdagan at mas malalang problema ang provincial bus ban.
*Ang palpak na implementasyon ng sapilitang pagpapagamit sa PITX para sa mga commuter sa Cavite ay malinaw na ebidensya ng napipintong kapalpakan ng implementasyon ng sapilitang pagpapagamit ng terminal sa Valenzuela para sa mga mula sa Gitnang Luzon, lalo pa at mismong lokal na gobyerno ng Valenzuela ang nagsabing di sila handa pa rito, sa konteksto ng grabe na ngang traffic sa ibang bahagi ng Valenzuela, bago pa man ang sapilitang pagpapagamit sa terminal dito.
*Ang kalunos-lunos na kalagayan ngayon ng mga commuter mula Cavite ay siyang magiging kalunos-lunos din na sitwasyon ng mga taga-Norte kung ipapatupad ang gusto ng MMDA.
*Bukod sa karagdagang gastos sa pamasahe, karagdagang sakit ng ulo at presyur sa kalusugan ng mga mamamayan ang idudulot ng sobrang agang paggising na kakailanganin para makapasok nang maaga sa sitwasyong mas hahaba at mas magiging miserable ang byahe. Bakit kailangang pahirapan nang ganito ang mga mamamayang bumubuhay sa mga industriya at serbisyo sa Pambansang Rehiyong Kabisera, mga mamamayang nagbabayad ng buwis at tahimik na nag-aambag sa paggana kundi man sa pag-unlad ng bansa?
*Maraming mas mainam na solusyon - pangmatagalan at panandalian - para sa traffic sa Metro Manila, pero malinaw na hindi kasama riyan ang provincial bus ban.
*Sa short term, maaaring ayusin ang public mass transportation sa lahat, sa probinsya, sa mga ruta na probinsya-Metro Manila at vice-versa: gawing swabe, seamless ang mga babaan, tipong pagbaba mo ng terminal ay nakarugtong na sa tren or may city bus na hindi ka na pipila dahil marami at tuluy-tuloy ang serbisyo lalo pag rush hour. Short-term na solusyon din ang bawasan ang private cars (na very inefficient sa paghahakot ng tao kumpara sa bus at tren) sa pamamagitan ng pagpapaayos sa LRT-MRT, 'yung tipong maayos ang aircon, in 5 minutes nakasakay ka na at tayuan man pag rush hour ay walang "skip train" kaya di maiipon ang mga pasahero. AYUSIN MUNA YAN, BAGO ISIPIN ANG PAG-BAN SA PROVINCIAL BUSES.
*Sa long-term, maayos na pasweldo sa buong bansa at kaunlaran sa lahat ng probinsya, para natural na mabawasan ang luluwas sa Metro Manila para magtrabaho.
*SA NGAYON, DAHIL HINDI PA NAMAN NAAAKSYUNAN ANG MGA IYAN, HUWAG NANG PALALAIN ANG PROBLEMA.
IHINTO ANG PROVINCIAL BUS BAN!
IHINTO ANG SAPILITANG PAGPAPAGAMIT SA PITX AT TERMINAL SA VALENZUELA!
HUWAG PAHIRAPAN ANG MGA PROBINSYANONG KOMYUTER!
MGA SANGGUNIAN:
https://news.mb.com.ph/2016/12/24/mmda-faces-greatest-challenge-managing-2-5-m-vehicles-in-mm/
http://www.cuts-ccier.org/crew/pdf/Note-Bus_Transport_Sector_in_the-Philippines.pdf

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on March 28, 2019