Ipasara ang Delikadong Motorshop at Palakasin ang Batas Laban sa Mufflers, Gasoline Motors

91

Let’s get to 100 signatures!
Petitions with 1,000+ supporters are 5x more likely to win!

The Issue

Ako, mga residente ng Karuhatan Road Valenzuela City, ay nananawagan laban sa isang motorshop na nagdudulot ng matinding ingay, usok, at panganib—katabi pa mismo ito ng isang gasoline station. Dahil dito, naapektuhan ang kalusugan ng aming pamilya, at ang aking ama ay pumanaw dahil sa komplikasyong dulot ng polusyon.Ang noise at air pollution ay nakamamatay—dapat kumilos ang gobyerno ngayon para protektahan ang aming karapatan sa isang ligtas, tahimik, at malusog na pamumuhay.

Mga Epekto ng Motorshop, Muffler, at Gasoline Motorsiklo

Ang ingay mula sa mufflers ay lumalampas sa antas na ligtas para sa pandinig at nagdudulot ng stress, high blood, at problema sa puso.

Ang usok at amoy gasolina ay sanhi ng sakit sa baga, hika, cancer, at iba pang karamdaman.

Ang motorshop ay katabi ng gasoline station — malinaw na panganib ng sunog o pagsabog.

Ang dami ng gasoline motorcycles sa kalsada ay nag-aambag ng sobra-sobrang polusyon.

Ingay at air pollution ay nakamamatay kung pababayaan ng gobyerno.

📍 Mga Batas na Sinasandigan

1. Saligang Batas 1987, Bill of Rights (Art. III, Sec. 1 & 16) – Karapatan sa buhay, kalusugan, at tahimik na pamumuhay.

2. Clean Air Act (RA 8749) – Nagbabawal ng polusyon sa hangin mula sa usok at kemikal.

3. Sanitation Code (PD 856) – Karapatan sa malinis na kapaligiran.

4. Fire Code of the Philippines (RA 9514) – Nagbabawal ng fire hazards lalo na kung katabi ng gasoline station.

5. Local Government Code (RA 7160) – Obligasyon ng LGU na ipatupad ang zoning at protektahan ang kaligtasan ng mamamayan.

6. National Building Code (PD 1096) – Nagtatakda ng tamang land use at zoning compliance.

7. Obligasyon ng Lessor (Civil Code, Art. 1654–1659) – Dapat siguraduhin ng nagpapaupa na ligtas at hindi nakakasama ang paggamit ng kanyang ari-arian.

8. Land Transportation and Traffic Code (RA 4136) – Regulated ang mufflers ngunit kailangan nang amyendahan para higpitan.

 Bagong Panukala :

1. Mahigpit na pagbabawal sa modified mufflers sa loob ng 1 taon.

Mataas na multa (₱10,000 – ₱50,000) at agarang hulihan sa lahat ng lalabag.

Mandatory inspection at confiscation ng ilegal na muffler

2. Pag-phase out ng gasoline motorcycles sa loob ng 5 taon.

Unti-unting ipatupad at palitan ng electric motorcycles at e-bikes.

Suporta at insentibo para sa mga motoristang lilipat sa e-vehicles.

3. Dagdag pondo at kapangyarihan sa LTO at LGU para sa agarang pagpapatupad.

📍 Ang Aming Panawagan maipasa batas 

Kami ay nananawagan sa Mayor, Sangguniang Panlalawigan, LTO, DENR, DILG, mga Senador, at Kongreso na:

1. Ipasara ang motorshop na lumalabag at nagdudulot ng panganib.

2. Baguhin at palakasin ang muffler law para alisin ang lahat ng modified mufflers sa loob ng 1 taon.

3. Simulan ang pag-phase out ng gasoline motorcycles sa loob ng 5 taon bilang bahagi ng clean air at anti-noise program.

4. Dagdagan ang multa at hulihin agad ang mga lumalabag upang matigil ang paulit-ulit na paglabag.

5. Magpasa ng bagong batas o amyenda sa Senado at Kongreso para mas malinaw at mas mahigpit ang regulasyon laban sa ingay at polusyon.

6. Kilalanin na ang ingay at air pollution ay nakamamatay at dapat tugunan bilang seryosong banta sa kalusugan ng tao.

7. Protektahan ang karapatan sa tahimik, ligtas, at malusog na pamumuhay ng bawat Pilipino.

 

avatar of the starter
Cristina De GuzmanPetition StarterI am a member of anti noise crusader of the Philippines ANCOP. Because of illegal noise, toxic air, and threats, I attempted suicide. I demand urgent action: punish illegal acts, enforce laws, and protect complainants — for justice and safe communities.

Petition Updates

Share this petition

Petition created on September 11, 2025