Petition updateInvestigate the daily 6-12 hour brownouts in Occidental Mindoro #WantedIlawNEWS: Occidental Mindoro, Nakararanas ng 7-12 Oras na Brownout Araw-Araw

100% Brownout-Free Occidental Mindoro
May 10, 2015
M. Ysibido, DWIZ 882 (April 25, 2015)
Umaalma na ang mga taga-Occidental Mindoro sa nararanasan ng lalawigan na 7 hanggang 12 oras na brownout araw-araw.
Bukod sa epekto nito sa mga residente, lumalala na rin ang takbo ng mga negosyo at epekto nito sa ekonomiya ng lalawigan.
Dahil dito, sinimulan ng mga residente ng San Jose, Rizal, Calintaan at Magsaysay ang isang protesta sa social media gamit ang hashtag na wanted ilaw (#wantedilaw).
Ang #wantedilaw online petition ay panawagan kay Energy Secretary Jericho Petilla at sa Department of Energy – Consumers Welfare Promotions Office na pumasok at makialam na sa problema para matugunan ang power shortage sa lalawigan.
Nagkabit na rin ang mga residente ng mga protest streamers sa mga tricycle. Maging ang mga taga-Occidental Mindoro na nasa ibang bansa ay nakiisa na rin sa online protest sa pamamagitan ng pagpirma at pag po-post ng pictures sa mga social media hawak ang mga protest streamers.
READ HERE: http://www.dwiz882am.com/index.php/occidental-mindoro-nakararanas-ng-7-12-oras-na-brownout-wantedilaw-online-petition-ikinasa/
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X