Petition updateInvestigate the daily 6-12 hour brownouts in Occidental Mindoro #WantedIlaw#WANTEDILAW campaign and petition FAQS

100% Brownout-Free Occidental Mindoro
Apr 8, 2015
Ang mga tanong ay mula kay Jigz Arciaga sa Unlad Occidental Mindoro FB page:
TANONG: Ano-ano po ba ang mga layunin ng petisyon nyo na "wanted ilaw" bukod sa permanente at bastanteng supply ng kuryente na matagal ng inaasam ng mga taga oksi?
SAGOT: Ang pangunahing layunin ng ating #wantedilaw social media campaign, kasama na rito ang change petition, ay ipakita at iparinig sa kinauukulan na ang hindi na natin kayang magtiis at manahimik sa isyu ng paulit-ulit at malawakang brownout sa Occidental Mindoro. Gusto rin nating iparating ang ating pagkadismaya sa paulit-ulit na paglabag sa ating karapatang pantao: ang "access to electricity." Ito ang ating pagkakataon na ipaalam sa kinauukulan na sawa na tayo sa "culture of impunity" o ang kultura ng kawalan ng pananagutan. Malinaw na ipinapakita ng ating kolektibong karanasan na ang kawalan ng kuryente ay nakakaapekto sa ating karapatang sibil at politikal, tulad ng karapatang mamuhay; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatan sa pagkain, karapatan sa kalusugan, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon.
TANONG: Kung sakaling dinggin o maiparating sa kinauukulan ang ating mga hinaing, ano-ano po ba ang mga maaring positibo o negatibong resulta matapos ang peyisyon na ito?
SAGOT: Simple lang ang hiling ng mga pumirma ng petisyon: 100% brownout free Occidental Mindoro. Tama ka, Jigz. Kasama na diyan ang permanente, mura at bastanteng supply ng kuryente. Na kahit simplemeng mamamayan ay mamumulat sa problema at makiisa upang makamit natin ang ating mga kolektibong mithiin, partikular na ang "access to electricity." Ang #wantedilaw campaign at petisyon, lalo na kung tayo ay makakakuha ng media coverage, ay isa sa mga marami pang ibang paraan upang buksan ang mga mata ng mga kinauukulan na ang pagtitiis ay hindi na opsyon. 18th poorest province, 21st least populated province, brownout capital of the Philippines... panahon na para baguhin ito.
Maaring totoo na hindi tayo napapansin o papansinin sa simula, pero sa pagtutulong tulong ng mga mamayanan ng Oksi, siguradong may makikinig sa atin. Kung hindi pa tayo marinig ngayon, kailangan laksan natin ang ating mga boses hanggang dumating sa panahon na wala nang magagawa ang gobyerno kundi pakinggan. Basahin mo ang news article na ito kung saan ipinaimbestiga ni Sec. Petilla ng DOE ang blackout sa Mindanao: http://www.philstar.com/headlines/2015/04/07/1441105/doe-probes-blackout-cause
TANONG: Kung sakaling dinggin o maipanalo ang petisyon hinggil sa problemang elektrisidad sa oksi, makakatiyak ba tayo na "KAAGAD" magkakaroon ng bastanteng supply ng kuryente sa buong oksi sa kabila ng umiiral na kontrata sa pagitan ng IPC at OMECO?
SAGOT: Maaring nga na hindi agad-agad makukuha ang solusyon na inaasam nating lahat, pero ang mahalaga po ay nabubuksan ang isyu para sa intelihenteng diskurso. Sabi nga dati ni Ka Ditto Sarmiento: "Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi ngayon, kailan pa?"
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X