Pirma Kontra Cha-Cha! Pirma Kontra Diktadura!

The Issue
Kami, mga mamamayang Pilipino, ay tumututol sa tangkang pagtatayo ng diktadura ng administrasyong Duterte. Sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa Kongreso na buuin ang Constituent Assembly o Con-Ass, isasakatuparan ang pagbabago ng Konstitusyon o Charter Change (Cha-Cha) na ultimong magiging tungtungan ng pagtatayo ng isang marahas at mapanupil na pamamahala.
Tayo ay nagkakaisa laban sa Con-Ass at Cha-Cha ng Pangulong Duterte na naglalayong palawigin ang termino ng mga nakaupo sa puwesto, magbigay ng mala-diktador na kapangyarihan sa ehekutibo, i-konsentra ang lahat ng kapangyarihan sa iilang pamilyang namumuno, tanggalin ang mga batayang karapatan ng mamamayan, at bigyang laya ang mga dayuhan ng buong-buong pagmamay-ari sa mga lupain at yaman ng bansa.
Ang ating paglagda ay tanda ng ating pagkakaisa at panata na:
1. Pigilan ang anumang pamamaraan upang ipasa ang Cha-Cha at/o anupamang tipo ng diktadura;
2. Hikayatin ang mas marami pang mamamayan na makiisa sa ating paglaban; at
3. Lumahok sa iba’t-ibang tipo ng pagkilos upang ipahayag ang ating mga hinaing.
Hangga’t nananatiling banta ang Cha-Cha ni Pangulong Duterte na maka-sarili, kontra-mamamayan at maka-dayuhan, hindi tayo titigil sa paglaban dito. Hindi tayo mangingimi sa pagharap sa mga banta ng mapanupil na administrasyong Duterte.
CON-ASS AT CHA-CHA NI DUTERTE, IBASURA! NO TO TERM EXTENSION! NO TO 100% FOREIGN OWNERSHIP!

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on January 19, 2018