Victory
Petitioning Atty. Felipe M. Gozon and 10 others

Isakatuparan ang Bagong Yugto: Encantadia Season 2

"Avisala Eashma. Es je ivtu kaesic. Poltre. E Correi Diu." Ito ang ilan lamang sa mga salitang tumatak sa mga puso at isipan ng mga Pilipino at ng buong mundo dahil sa isang palabas na tunay na naging tagapanguna sa mataas na kalidad ng telebisyong Pinoy... ang Encantadia. Hindi maikakaila na isa itong brilyante ng GMA Network.

Nasilayan nating lahat ang hiwaga ng mundo ng Encantadia noong Mayo 2, 2005. Nagkaroon ito ng matagumpay na mahahabang tatlong yugto bago ito nagwakas sa Abril 28, 2006. Muling nasaksihan ng sambayanan ang kwento ng mga nilalang na napamahal sa atin noong Hulyo 18, 2016. Ngunit sa ikinalungkot ng buong bayan ay nabalitaan ng lahat na magwawakas ito sa Mayo 19, 2017.

Nais naming manawagan sa buong GMA Executive Management na isakatapuran ang Bagyong Yugto bilang pagbukas ng lagusan para sa Season 2 ng bantog na kwento ng Encantadia.

At ito ay dahil...

  • Hindi pa tunay na nalalakbay ang buong mapa ng Encantadia. Marami pang iba't ibang lugar, kultura, kwento at nilalang na hindi pa nakikilala ng sambayanan.
  •  Higit pa sa kwento ng pag-ibig ay mayroon ding mga aral tungkol sa pulitika, aral na panlipunan, aral ukol sa halaga ng hustisya at iba pang mga aral na nagbibigay halaga sa kwento ng Encantadia.
  • Di hamak na hindi pa naliliwanagan ang bayan sa iba't ibang mga parte ng istorya, hindi pa nauunawaan nang buo ang mga motibasyon ng iba't ibang mga karakter at marami pang ibang kwento ng nakaraan at ng kinabukasan ang hindi pa natutuklasan. 
  • Dahil sa tagumpay nito sa "commercial space" noong 2005, 2006, 2016 at ngayong 2017, tiyak na magiging mas matagumpay ito para sa GMA Network upang matamo ang mas marami pang mga sponsor na mahahatak ng mga mundo ng mga Sang'gre.
  • Nangunguna ang Encantadia sa ratings halos gabi-gabi! Malakas ang pwersa nito!
  • May potensyal ang Encantadia na maging hindi lamang pioneer sa quality telefantasya kung di pioneer din ng bagong entertainment business model - maaaring mag-capitalize ang GMA sa consumer products, music records, studio films, interactive games at iba pa.
  • Kailangan ng mga Pilipino at ng buong mundo ang isang palabas na katulad ng Encantadia: mapanglikha, pangkaisipan, at nagbibigay ng pag-asa. Isang mahiwagang mundo na tunay na nagiging gabay ng maraming Pilipino.


Paano ito maisasakatuparan?

  1. Magkaroon ng Season Break bago ang Season 2 upang mas mapaghandaan ng "Team E" (Team Encantadia) ang Bagong Yugto. 
  2. Buksan ng GMA Executive Management ang lagusan para sa Encantadia Season 2


Kaya nananawagan kami sa lahat ng mga Encantadik! Esta Sectu! Minsan lamang ay isinambit ni Amihan ang mga salitang ito: "Paopao, laging bukas ang Encantadia para sa'yo. Kaya wag kang mag-alala."

First Goal: 5,000 na signatura bago mag-Mayo 12, 2017.

  • Goal Reached: May 8, 7:07PM, 5 days before the Deadline. 

Second Goal: 7,777 na signatura bago mag-Mayo 14, 2017 midnight.  

  • Goal Reached: May 14, 3:24PM, 9 hours before the Deadline.

Final Goal: 10,000 na signatura bago mag-Mayo 19, 2017 midnight.

  • Goal Reached: May 16, 12:35PM, 2 days before the Deadline.

Nawa'y muling magbukas ang lagusan patungo sa Encantadia sa mga munting tahanan ng bawat Pilipino!



This petition was delivered to:
  • Atty. Felipe M. Gozon
  • Anette Gozon-Abrogar
  • Suzette Doctolero
  • Gilberto Duavit Jr.
  • Mark Reyes
  • Noel Layon Flores
  • Lilybeth Rasonable
  • Roy Iglesias
  • gma network
  • GMA Artist Center
  • GMA Films

Melisse Yutuc started this petition with a single signature, and won with 10,228 supporters. Start a petition to change something you care about.