

Sisikapin po nating mga maralitang Pilipino na maisakatuparang mawala sa Senado ang isang Traidor na Sen Loren Legarda
Buong puso po nating ipanalangin sa Diyos na mabiyayaan tayo ng sapat na lakas at dami ng mga Pilipino upang pumirma sa Petisyong na ito upang ma sumite natin kay Senate President Migz Zubiri at kay mahal na Pangulo Bongbong Marcos Jr upang mabigyan ng karampatang pagtalakay at desisyon upang mapatalsik sa Senado o huhubaran ng ranko sa military ang Traidor na si Sen Loren Legarda.
Tayong mga matitinong Pilipino ay hindi bulag at namulat na po tayo sa katotohanan. Palagi na lang tayong dehado, pinaglaruan, ginagamit tuwing eleksyon. Ginawa tayong tanga at hindi na po nakakatuwa ang mga pinag-gagawa ng mga Tradisyonal Politicians (TraPo) katulad ni Legarda sa ating pamahalaan at sa mga Pilipino.
Hindi rin po katangap-tangap and kanyang isinagawang malabnaw na "Official Public Statement."
Ipanawagan po natin sa ating mga kamaganak, kaibigan na nasa Mainstream Media, mga bloggers at influencers na sana mabigyan ninyong pagkakataon na ma e feature ang Petition sa mga news releases ninyo. Ito'y para sa kapakanan ng mga nakakarami sa atin, para sa ating mga anak at sa darating na mga henerasyon.
Sana hindi tayo magsawa kahit aabot pa tayo sa susunod na taong 2023 na ma subaybayan ang mga updates dito at mai share sa email at social media accounts tulad ng Facebook, Twitter at Instagram at maipanalo natin ang Petisyon.
Maraming maraming salamat po sa lahat na 214 na matatapang na Pilipino na pumirma na at nag chipped in ng konting tulong para sa paglathala ng Petition dito sa Change . Org
God bless Philippines po.
#love #philippines #author