Bigyan ng state funeral si Andres Bonifacio

The Issue
Isang daan at limampung taon na ang nakalilipas mula nang ipinanganak si Andres Bonifacio. Ipinanganak siya noong Nobyembre 30, 1863. Namatay siya sa maagang edad na 33. 116 na taon na ang nakalilipas mula nang kanyang kamatayan ngunit hindi pa siya ginagawaran ng Estado ng karapat-dapat na parangal. Ito ay ang STATE FUNERAL.
Si Andres Bonifacio ang pinuno ng KKK, pangunahing tagapagsulong ng diwa ng pagkamakabayang nagsandig sa kalayaan at kasarinlan. Kinakatawan niya ang bugso ng damdamin ng Sambayanan noong Himagsikang 1896 na siyang magbibigay-daan sa paglaya ng Bayan sa kolonyalismong Kastila. Tunay na dapat pahalagahan ang mga mabuting nagawa ni Bonifacio para sa Bayan.
Ipinaglaban ni Bonifacio ang kalayaan ng ating bansa. Nararapat lamang na himukin natin ang mga kinauukulan na parangalan siya sa pamamagitan ng paggawad sa kanya ng STATE FUNERAL.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on March 29, 2013