Stop the discrimination against Non-UP Contractuals. Count us in the SR Selection!

Stop the discrimination against Non-UP Contractuals. Count us in the SR Selection!

Started
July 11, 2021
Petition to
UP Employees and
Signatures: 140Next Goal: 200
Support now

Why this petition matters

Maaalalang nitong Hunyo 22, 2021, napagtagumpayan ng Alliance of Contractual Employees (kasama ang STEM Alliance) na maisama sa 7th Staff Regent Selection and Election Guidelines mga non-UP contractual (job order, contract of service, emergency-hired, etc) bilang kasapi ng mga makakalahok sa 7th Staff Regent Selection. Napakalaking tagumpay sana nito sapagkat sa kasaysayan ng mga Rehenteng kumakatawan sa mga kawani at REPS sa Board of Regents, tanging sa panahon ni Staff Regent Mylah Pedrano naitulak ang karapatang bumoto ng mga non-UP contractual sa Staff Regent Selection.
 
Ayon sa administrasyon, nakatala sa RA 9500 (UP Charter) na tanging mga permanente at full time na empleyado ang mga kawaning maaaring marepresenta ng hinirang na Staff Regent. Ito ay nangangahulugan ng kawalan ng representasyon ng napakalaking bilang ng mga manggagawang kontraktwal (non-UP contractuals) sa Board of Regents.  Kami na gumagampan ng mga pangunahin at mahalagang mga trabaho sa ibat’ibang opisina at kaming mga nagpapatupad ng ibat-ibang programa at proyekto ng ating unibersidad ay tila pinagkakaitan ng boses sa loob ng pinakamataas na policy making body sa ating unibersidad. Ito ay nangangahulugan din ng hindi pagkilala sa aming kontribusyon sa para sa pamantasan at maging sa bayan. Klaro na sa loob mismo ng ating unibersidad ay may napakatinding diskriminasyon na umiiral laban sa mga manggagawang kontraktwal. Bukod pa rito ang delay na sahod, kawalan ng benipisyo, at kawalan ng seguridad sa trabaho na kinakaharap naming mga non-UP contractuals.

Isang hakbang pasulong na sana ang pagpapalahok sa mga kontraktwal sa prosesong ito, tungo sa pagbuo ng mga panukalang direktang kakalinga at magbibigay ng agapay sa mga kontraktwal ng Unibersidad. Mananatiling nasasantabi ang mga isyung kawalan ng benepisyo at seguridad sa trabaho, hindi paglahok sa promosyon, atrasadong sahod at kawalan ng lunas para maresolba sana ang mga nabanggit na isyu kung una sa lahat ay hindi kikilalanin na ang mga non-UP contractual ay hindi lamang mga entidad na walang employer-employee relations; ang mga non-UP contractual ay kaparis din ng mg permanente at full time na mga kawani at REPS na dahilan para patuloy na maging produktibo at panatilihin ang karangalan ng Unibersidad ng Pilipinas.
 

Huwag ipagkait ang karapatang bumoto ng mga non-UP contractuals sa Staff Regent Selection! 

Support now
Signatures: 140Next Goal: 200
Support now