Tutulan ang sapilitang PhilHealth Payment!

Tutulan ang sapilitang PhilHealth Payment!

Started
June 3, 2022
Signatures: 245Next Goal: 500
Support now

Why this petition matters

NAGMIMISTULANG gatasang-baka ang mga OFW sa kasalukuyang iskema sa insurance ng PhilHealth. Nitong Hunyo 1, nagtaas sa 4% ang mandatory contribution na sinisingil ng PhilHealth sa mga OFWs. Ito ay nagkakahalaga ng P9,600 hanggang P38,400 na ikakaltas sa sweldo ng isang OFW kada taon.

Bakit natin tinututulan ang sapilitang singil ng PhilHealth?

  • Hindi ibibigay sa isang OFW ang kanyang OEC o Overseas Employment Certificate hanggang hindi niya nababayaran ang hanggang isang taong kontribusyon sa PhilHealth, kaya't hindi siya makakaalis ng bansa. Magiging dagdag na gastusin pa ito para sa isang OFW na walang mahanap na trabaho, kabilang ang bayad sa passport, OWWA membership fee, POEA processing fee, at iba pa. 
  • Kabilang ang singilin sa SSS at PAG-IBIG, ang mga sapilitang bayarin na ito ay kakagat ng 19% sa buwanang sweldo ng manggagawa. Ang dagdag-bayarin sa PhilHealth ay sisingilin sa kalagitnaan ng pandemya, pagtaas ng presyo ng langis at batayang serbisyo, patuloy ng pagbaba ng halaga ng sahod, at kawalan ng trabaho sa Pilipinas.
  • Gusto man natin ng healthcare coverage, ang PhilHealth ay hindi maaaring gamitin sa ibang bansa. Kadalasan, ang healthcare coverage sa ibang bansa ay pinaghahatian ng employer at employee. Ang resulta, nagbabayad ng PhilHealth contribution ang isang OFW para sa isang serbisyo na hindi niya magagamit sa ibang bansa, at dalawang beses siyang sinisingil para sa serbisyo sa kalusugan. 
  • Ayaw natin ng "no pay, no service" na tipo ng health insurance. Ang serbisyong pangkalusugan ay isang batayang karapatan na dapat ibigay sa mamamayang Pilipino, hindi isang negosyo para pagkakitaan. Ngunit kapag hindi nakapagbayad ng monthly contribution ang isang ofw, magkakaroon ng compounded interest ang sisingilin sa kaniya sa susunod na buwan. Ang panawagan natin ay i-review ang R.A. 11223, ang Universal Healthcare Act.
  • Hindi makatarungan na magtataas ng singilin ang PhilHealth ilang buwan lamang matapos ang pinakamalaking isyu ng korapsyon sa bansa sa kasalukuyan. Bago taasan ang buwis sa mamamayan, nararapat lamang na atupagin ng ahensya ang pag-iimbestiga sa kaso ng korapsyon, pagbawi sa P15 bilyon, at silipin ang financial health ng PhilHealth sa paggasta ng pondo na nakukuha nito.

Ano ang pwede nating gawin?

  • Pumirma at magpapirma sa petisyon!
  • Sumali sa Migrante Philippines, ang nangungunang organisasyong nagsusulong ng karapatan at interes ng mga OFW, manggagawa, at pamilya!

Migrante Philippines
migrantepilipinas@gmail.com

Support now
Signatures: 245Next Goal: 500
Support now