Pondo ng bayan, ilaan para sa mga biktima ng krisis at kalamidad! P10,000 ayuda ibigay na!

Pondo ng bayan, ilaan para sa mga biktima ng krisis at kalamidad! P10,000 ayuda ibigay na!

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Carla Nicoyco started this petition to Duterte and

Nakakaranas ang mga mamamayang Pilipino ng walang kaparis na krisis dahil sa mabagal, di-handa, magulo at di-makataong tugon ng gobyerno sa isa sa pinakamalaking trahedya ng bayan--ang pandemyang COVID19 at krisis sa ekonomiyang bunsod nito. Halos kalahati ng manggagawang Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay. Ang may trabaho, bawas ang araw-trabaho at lumiit ang kita dahil sa iba’t ibang porma ng labor flexibilization para isalba ng mga kapitalista ang kanilang tubo.

Ang mga magsasaka, na kalakhan ng populasyon, ay wasak ang kabuhayan dahil sa liberalisasyon ng agrikultura gaya ng Rice Liberalization Law na nagbaha ng imported na bigas sa palengke. Kawawa ang mga magsasakang Pilipino, na binabarat sa kanilang bentang palay at wala pang makabuluhang suporta nakuha sa gobyerno.

Nagtataasan ang presyo ng mga bilihin na lalong nagpapabigat ng pasanin ng pamilyang Pilipino. Binabawasan pa ang pondo ng pampublikong serbisyong kalusugan, edukasyon at pabahay. Malala pa, nasa gitna tayo ng pandemya pero walang libreng mass testing, dagdag-na-pondo sa pampublikong mga ospital, at malawakang kampanyang pangkalusugan na aangat sana ng kakayahan nating labanan ang COVID19.

Pinasahol pa ito ng sunud-sunod na bagyo at trahedya. Nasira ang mga pananim, wasak ang kabahayan at komunidad, at nakitil ang buhay ng marami. Dati nang hirap tayo dahil sa pandemya at krisis sa ekonomiya, pero lalong dumausdos ang kalagayan natin dahil sa mga kalamidad at kriminal na kapabayaan ng gobyerno.

Sa lahat nang ito, walang makabuluhan at napapanahong aksyon ang gobyerno. Matapos mamigay ng panaka-nakang cash assistance at relief goods sa ilan noong unang tatlong buwan ng lockdown, wala nang inilaang badyet ang gobyerno para sa matinding pangangailangan ng mamamayan. Sa halip, inilalaan ang pondo ng bayan sa pagpapagawa ng mga kalsada at highway sa programang Build, Build, Build. Inilalaan din ito sa mga programang walang agad na pakinabang sa bayan. Kasuklam-suklam na noong rumaragasa ang mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses, napakabagal ng tugon at kulang na kulang ang inilalaan ng gobyerno para sa rescue, relief at rehabilitasyon ng mga nasalantang komunidad.

Sa bawat araw, matinding ligalig at pangamba sa kaligtasan ang naranasan ng mamamayan. Samantala, batid nating bilyun-bilyong piso na pondo ng bayan ang di natin napapakinabangan sa panahong kailangan natin ng tulong sa pang-araw-araw.

Kaya kami, mga mamamayang Pilipinong biktima ng pandemya, krisis at iba pang kalamidad, ay nananawagang maglaan ng sapat na pondo ang gobyerno para sa P10,000 ayuda sa lahat ng apektado ng krisis at kalamidad. Dapat ayusin ng gobyernong Duterte ang paggastos nito ng kaban ng bayan para makapakinabangan ng karamihang naghihirap. Kasabay nito, nanawagan kami na panagutan ni Duterte ang kriminal niyang kapabayaan sa matinding krisis na nararanasan nati

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!