Gawing 24/7 ang water supply sa buong San Marino City, Dasmarinas, Cavite

Gawing 24/7 ang water supply sa buong San Marino City, Dasmarinas, Cavite

0 have signed. Let’s get to 1,500!
At 1,500 signatures, this petition is more likely to get picked up by local news!
Dedong Marcelino started this petition to Operations Head Primewater Corporation and

Mula noong first quarter ng 2020, nagsimula nang maging rotational ang suplay ng tubig sa ilang bahagi ng San Marino City sa Brgy. Salawag, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa Primewater Corporation na siyang water supplier sa lugar, bumababa raw ang suplay ng tubig dahil tag-init. Nagpamahagi sila ng notice sa mga residente noong Marso na nagsasabing magkakaroon ng rotational water service interruption. Umasa ang karamihan na ito’y pansamantala lamang at babalik rin sa normal ang suplay ng tubig kapag nagsimula na ang tag-ulan.


Pitong buwan na ang lumipas ngunit walang update ang Primewater. Ilang residente ang sumubok na dumulog sa kanilang tanggapan ngunit walang aksyon ang nasabing korporasyon. Sumapit na rin ang tag-ulan ngunit patuloy na naging rotational ang tubig sa ilang bahagi ng San Marino City. Madalas ay mahina pa ang tulo ng tubig sa mga nakatakdang oras at kung minsan din ay talagang wala.


Napakahirap ng sitwasyong ito para sa mga residente lalo na sa panahon ngayon ng COVID-19. Mahalaga ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagligo tuwing galing sa labas, at ang pag-disinfect sa mga pinamili at gamit sa bahay. Mahirap gawin ang mga ito kung walang tubig sa tahanan.


Ang masaklap pa rito, patuloy ang paniningil ng Primewater sa mga residente sa parehong halaga. May ilang mga residente na mas tumaas pa ang bill ng tubig. Ang mataas na singil ay dagdag pa sa mga suliraning kinakaharap ng mga residente ngayong pandemya at krisis sa ekonomiya.


Dahil rito, nananawagan ang mga residente ng San Marino City sa Primewater Corporation na ibalik ang 24-hour water supply sa lahat ng sambahayan sa subdivision. Karapatan namin na magkaroon ng dekalidad na serbisyo kapalit ng inyong patuloy na singil sa tubig.


Kung nais mong suportahan ang ating panawagan sa maayos at dekalidad na serbisyong tubig, maaari kang pumirma sa petisyon na ito at ipamahagi sa iba online. Maraming salamat!

0 have signed. Let’s get to 1,500!
At 1,500 signatures, this petition is more likely to get picked up by local news!