Help the Farmers Now! Change the Rice Tariffication Law

0 have signed. Let’s get to 10,000!


HELP THE FARMERS ‘NOW’

The Rice Tariffication Law paved the way for lifting the quantitative restrictions that have allowed Philippine authorities to limit the volume of rice imports every year.

Bumaba na ang presyo ng palay pero bumaba ba ang presyo ng bigas??

Palay, ito ay isa sa mga pangunahing produkto ng Pilipinas. Ang ating bansa ay isang Agricultural Country. Pero bakit parang ang mga magsasakang Pilipino ay pinapatay ng ating gobyerno

Nabalewala na ang pagod at paghihirap ng mga Pilipinong magsasaka, ang binubuhay natin ay ang mga dayuhang magsasaka na tumatanggap ng tulong mula sa kanilang gobyerno.

Hindi lahat ng magsasaka ay nakikinabang sa irrigation, madami ay umaasa lamang sa patubig, patubig na nangangailangan ng krudo, krudo na tuloy tuloy din ang pagtaas ng presyo.

Kasabay ng pagtaas ng presyo ng krudo ay pagtaas din ng presyo ng mga pataba, fertilizers na kailangan upang maging maganda ang ani.

Pati nga ang upa sa mga manananim ay tumaas na rin.

Ang presyo ng lahat ng mga kailangan upang makapagtanim ng palay ay tumaas na subalit tuloy tuloy parin ang pag baba ng presyo ng palay.

Hindi naman permanent rice shortage ang nangyari sa atin. Ang rice shortage na dulot ng hindi pagbili ng palay ng NFA. Sa halip na ibili ng palay ang pondo ay ibinayad nila sa utang!

Ang Petisyon na ito ay hindi naman naglalayon na alisin ang Rice Tariffication Law, sa halip ito ay baguhin lamang. Huwag naman sana masyadong paboran ang mga mayayaman na na business man. Sana ay baguhin ang batas at maglagay ng probisyon na pabor din sa magsasaka. DAPAT LAGYAN NG KONDISYON KUNG KELAN ITITIGIL ANG UNLIMITED RICE IMPORT KUNG SAPAT NA ANG SUPPLY NG BIGAS UPANG HINDI NAMAN MASYADONG BUMABA ANG PRESYO NG PALAY AT MALUGI ANG MGA MAGSASAKA!

HINDI UTANG ANG KAILANGAN NAMIN KUNDI AY SUBSIDIYA!

Ang hiling namin sa ating mahal na Pangulong Duterte ay tulungan niya ang ating mga magsasaka. Kung pwede ay  mag paikot ng mga bumibili ng palay sa lahat ng sulok ng Pilipinas at bilhin sa mas mataas na presyo ang palay upang sa ganoon ay hindi naman tuluyang mamatay ang ating mga magsasaka. Kailangan may umikot sapagkat hindi naman kayang maghatid ng mga inaning palay ng mga maliliit na magsasaka sa mga warehouse ng NFA sapagkat madalas ito ay nasa mga bayan

Kung hindi ito kakayanin ng NFA, maglagay nalang ng floor price, o minimum na halaga ng palay. (20 - 21 pesos per kilo)

Pag aralan muli ang batas! Iyan ang kailangan ngayon ng mga magsasaka!