#ParaSaMalayangPamamahayag #NoToABSCBNShutdown Renew ABS-CBN Legislative Franchise Now!

#ParaSaMalayangPamamahayag #NoToABSCBNShutdown Renew ABS-CBN Legislative Franchise Now!
Why this petition matters

#ParaSaMalayangPamamahayag #NotoABSCBNShutdown #DefendPressFreedom
Sa gitna ng napakalaking pagsubok ng pinagdaraanan ng milyon milyong mga mamamayang Pilipino, mas pinili ng pamahalaan na ito na patahimikin ang karapatan sa Malayang Pamamahayag. Maliwanag ang mga aksyon na ginagawa ng pamahalaan upang patahimikin ang mga kritiko nito upang mapatigil ang paglabas ng mga pagkukulang ng pamahalaan na ito.
Hindi katanggap tanggap ang desisyon ng National Telecommunications Commission na maglabas ng Cease and Desist Order base lamang sa pananakot ni SolGen Jose Calida. Nagpahayag si SolGen Calida na sasampahan ng kaso ang mga miyembro ng NTC kung sakaling mabibigay ito ng "Provisional Authority" sa ABS-CBN.
Tungkulin ng OSG na tumayong abogado ng pamahalaan. Hindi tungkulin ng OSG ang diktahan ang NTC sa mga dapat nitong gawin.
Sa kabila ng pagsubok na dala ng COVID-19 Pandemic, mas pinili ng mga empleyado ng ABS-CBN na magsilbi sa bayan at tumulong sa mga nangangailangan.
Dapat lamang bawiin ng NTC ang kanilang inilabas na CDO.
Dapat nang ipasa na ng Kongreso ang panibagong "Legislative Franchise" ng ABS-CBN.