Stop Extrajudicial Killings

0 have signed. Let’s get to 200!


Sa panahon ngayon laganap na ang Extrajudicial killings. Maraming mga Drug users at Drug pushers na napapatay at ang mga inosenteng tao ay nadadamay marahil sila ay napagkakamalang Drug users o Drug pushers. Maraming tao ngayon ang nangungulila sa kadahilanang nawala ang kanilang minamahal sa buhay na biktima lang. Kaya hahayaan na lang po ba natin na marami pang mamatay na taong mga inosente sa ating bansa? Ang lahat ng tao ay may karapatan. Para naman sa mga Drug users at Drug pushers hindi natin kailangan na patayin sila maaari naman nating ikulong nalang sila at pagbayaran ang kanilang kasalanan. At alam naman nating kahit sino pwedeng magbago kung hindi natin sila bibigyan ng pagkakataong magbago at kung papatayin lang natin sila ito ay walang katarungan. Sana po ay itigil na po ang pagpatay sa mga tao at lalo na sa mga taong walang kalaban-laban dahil ang buhay ng bawat tao ay mahalaga hindi natin dapat ito ipasawalang bahala. Sana ay magtulungan tayo para wala ng mawala o madamay na mga inosenteng tao sa mundo.



Today: Jessica is counting on you

Jessica Eunice needs your help with “President Rodrigo Duterte: Stop Extrajudicial Killings”. Join Jessica and 101 supporters today.