Petition Closed

Implementation of Gender Equality

This petition had 100 supporters


                    Matutuwa ka ba kung mayroong hindi matanggap kung sino ka talaga?Hindi ka marespeto kasi nga naiiba ka.Yung tipong minamaliit ka dahil akala nila hindi mo kayang gawin yung mga bagay na kaya nilang gawin.Sino nga ba ang matutuwa kung ganito ang  trato nila sayo,wala naman hindi ba?Marami sa ating mga Pilipino ang nakakaranas ng ganito mapababae man o lalaki, bakla man o tomboy.Pero alam natin na tayo bawat isa ay may karapatang gawin kung ano ang nais nating gawin.

                Siguro pamilyar na tayo sa usapin na ikinukumpara ang kakayahan ng mga lalaki sa kakayahan nating mga babae.Sinasabi ng ilan na hindi kaya ng mga babae ang mga gawain o trabaho ng mga kalalakihan,tanong tama nga ba?Hindi lang natin alam na sa panahon natin kaya naring makipagsabayan ng mga kababaihan lalo na sa larangan ng mabibigat na trabaho.Sa mga tomboy at bakla naman,sila yung mas dehado sa ngayon,sila ang karaniwang kinikwestyon lalo na yung mga transgender na talaga .Marami namang tumatanggap sa ganitong klase ng kasarian pero hindi natin mapagkakaila na meron paring iba ang hindi tumatanggap.Ihalimbawa nalang natin yung karanasan ni Charies Pempengco o mas kilala sa ngayon bilang Jake Zyrus ,diba maraming kumwestyon sa pagpapalit niya ng pangalan at ng iba pang parte ng katawan.Sinasabi nila na labag sa kagustuhan ng Diyos ang ganoong gawain,tama nga naman.Pero wala parin tayong karapatan na manghusga at mangapak nang kahit sino.Hangad ng petisyon kong ito na magkaroon ng pagkakapantay na pagtingin at pagtrato sa bawat indibidwal babae,lalaki,bakla,o tomboy man.



Today: millete is counting on you

millete mata needs your help with “President Rodrigo Duterte: Implementation of Gender Equality”. Join millete and 99 supporters today.