DAGDAG P1,000 SA SSS PENSION, NGAYON NA!

DAGDAG P1,000 SA SSS PENSION, NGAYON NA!

0 have signed. Let’s get to 1,000!
At 1,000 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Bayan Muna Partylist started this petition to President Rodrigo Duterte

Sa harap ng banta ng COVID-19, ang mga matatanda ang siyang pinakabulnerableng sektor, hindi lang sa Pilipinas, kung hindi pati sa buong mundo. Ayon sa istadistika ng Worldometers.com, ang tinatayang death rate ng mga nahawaan ng virus ay ang mga sumusunod:

EDAD                            DEATH RATE

80+ years old                     14.8%

70-79 years old                 8.0%

60-69 years old                 3.6%

50-59 years old                 1.3%

40-49 years old                 0.4%

30-39 years old                 0.2%

20-29 years old                 0.2%

10-19 years old                 0.2%

0-9 years old                      no fatalities

Sila ay lubos na nangangailangan ng tulong at kalinga, lalo’t pati ng pagkukunan ng pambili ng mga gamot at bitamina panlaban sa lumalaganap na COVID-19 sa ating bansa. Kaalinsabay sa panawagang libreng mass testing ngayon na, dapat ipanawagan din natin ang dagdag P1,000 SSS pensyon, ngayon na!

Noong Pebrero 2019, ipinasa ang RA 11199 na nagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng SSS mula 11% patungong 12% para sa 2019, 13% sa 2021, 14% sa 2023 at 15% sa 2025. Dagdag pa rito, ayon kay Emmanuel F. Dooc, dating pangulo at chief executive ng SSS, malabo na ring maibigay ang pangalawang P1,000 dagdag sa pensyon ng mga senior citizens. Ani niya, ito raw ay para magbabawas ng fund life ng SSS mula 2038 patungong 2032.

Mayroon bang karapatan ang SSS para ipapasan ito sa mga miyembro?

Sobrang baba ng collection rate efficiency ng SSS. Noong 2018, sa 38 milyong miyembro ng SSS, 16.5 milyon lamang ang nakokolektahan ng SSS. Tangging 43.42% lamang ito sa kabuuang bilang ng miyembro.

Dagdag pa rito, bilyon-bilyon ang hindi nakokolekta ng SSS mula sa mga employer na hindi nagre-remit. Batay sa COA reports, ito ang hindi nakokolekta ng SSS mula sa mga delinkwenteng mga employer:

     Taon     Di nakolekta             Mula sa delinkwenteng employer

     2011     P7.675 bilyon           168,900 employer

     2012     P367.991 milyon     149 employer (large accounts sa NCR)

     2013     P13.539 bilyon         61,260 employer

     2014     P8.168 bilyon           97,366 employer (large at branch employers sa NCR at ilang regional branch employers)

     2015     P4.845 bilyon           13,886 employer (branch employers sa NCR)

     2016     P8.04 bilyon             38,088 employer (NCR at regional branch at large account employers).

     2017     P13.778 bilyon         122,658 employer

Kung wala pa sa kalahati ng miyembro ang nakokolektahan ng SSS at bilyon-bilyon ang hindi nila kinokolekta sa mga delinkwenteng mga employer, walang karapatang itaas ng SSS ang kontribusyon. Bakit gagawa ng bagong kontribusyon ang SSS kung ang lumang kontribusyon ay hindi niya nakokolekta? Para mong pinarusahan ang mga matitinong nagbabayad ng kanilang kontribusyon samantalang ang mga delinkwenteng employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng manggagawa ay ligtas pa rin.

Hindi mababangkarote ang SSS kapag ibinigay ang dagdag P1,000 na pensyon

Walang Social Security System sa buong mundo ang nababangkarote, taliwas sa pinalaganap na pangamba. Sa Pilipinas, sinasabi sa Sec. 21 ng RA 11199 na ang gobyerno ang may pangunahing responsibilidad at maggagantiya na magpapatuloy ang SSS. Matagal na ring pinabulaanan ito sa napakaraming pagdinig sa Kongreso mismo ng SSS na mababangkarote ito dahil kailangan lamang nila taasan ang kinokolektang kontribusyon para humaba ang fund life nito. Ngunit ang panawagan ng Makabayan Bloc, sa pangunguna ng dating congressman Atty. Neri Colmenares na magpatupad muna ng mga sumusunod na hakbang-hakbang na reporma ang SSS bago pag-usapan ang dagdag kontribusyon:

  1. Itaas ang collection rate efficiency
  2. Itaas ang investment efficiency
  3. Bawasan ang mga di kailangang bonuses o operating expenditures
  4. Magbigay ng kontribusyon ang gobyerno, ayon na rin sa Sec. 20 ng RA 11199, tulad ng ginagawa sa Japan, Thailand at Vietnam
  5. Tsaka ikonsidera ang diskusyon tungkol sa dagdag kontribusyon
     

Aksyon ng mamamayang Pilipino

Karapat-dapat lamang para sa ating mga senior citizen, na nagsilbi sa Pilipinas ng ilang dekada noong nagtratrabaho pa sila, na makatanggap ng sapat na pensyon. Kung kaya, bilang isang hakbang para masakatuparan ito ay ang pagpirma sa petisyon na nangangahulugang sang-ayon ka sa:

  1.  Mayroong pondo ang SSS, hindi lamang niya kinokolekta. Marapat lamang na igiit natin na hindi makatarungan at walang karapatan ang SSS na itaas ang kontribusyon. Dapat na magsagawa ang SSS ng mga reporma upang itaas ang collection rate nila at habulin ang mga delinkwenteng mga employer.
  2. Kailangang gampanan ng gobyerno ang tungkulin nito na nakasaad sa batas.
  3. AT HIGIT SA LAHAT, dapat nang ibigay ang matagal nang hinihinging pangalawang P1,000 dagdag pension lalo pa ngayon na lubos na nangangailangan ng tulong ang ating mga senior citizens.

 

LIBRENG MASS TESTING, NGAYON NA!

TAAS KOLEKSYON, HINDI KONTRIBUSYON!

DAGDAG P1,000 SSS PENSYON NGAYON NA!

0 have signed. Let’s get to 1,000!
At 1,000 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!