Petition Closed

Ibasura ang MANP-PAMB Resolution No. 2015-11

NO To MANP-PAMB Resolution No. 2015-11

President Benigno Aquino III
DENR Secretary Ramon J.P. Paje
Protected Area Management Board (PAMB) of Mt. Apo Natural Park
DENR Region XI- Davao Director Joselin Marcus E. Fragada
DENR-XI's Park Operations Superintendent (POSu) Eduardo Ragaza
Digos City Tourism Officer Edgardo Elera
Digos City, Davao del Sur Mayor Joseph "Jojo" Peñas
Bansalan, Davao del Sur Mayor Edwin G. Reyes
Santa Cruz, Davao del Sur Mayor Joel Ray L. Lopez
Kidapawan City, North Cotabato Mayor Rodolfo Y. Gantuangco
Magpet, North Cotabato Mayor Florenito T. Gonzaga
Makilala, North Cotabato Mayor Rudy S. Caoagdan

 

Mga minamahal naming lingkod ng bayan, 

Kami po ay lubos na masaktan sa inyong bagong labas na MANP-PAMB Resolution No. 2015-11 sapagkat ito'y direktang pagsasabi sa aming mga mountaineers na bawal ng akyatan ang pinaka mataas na bundok ng bansa ang Mt. Apo. Ang PAMB Resolution No. 2015-11 para sa aming mga mountaineers ay may malalim na epekto sa amin sapagkat ang nagdaan ngang Php.500 singil sa amin ay dagok na lalo pa ngayong ginawa nyo itong doble hangang triple (Php. 1,000-1,500). Kung tutuusin wala namang nagbago sa naganap na serbisyo at commitment ng local governments sa aming mga umaakyat sa Mt. Apo. 

Ang mga mountaineers ay nag-iipon at naglalaan ng salapi para lamang makaakyat ng bundok at karamihan sa amin ay ilang buwan o taon ang ginugugol para lamang makaakyat ng bundok. Kaya ang masamang balita ng PAMB Resolution No. 2015-11 ay masamang panaginip at isang malaking banta na di na maaakyat ang Mt. Apo.

Masakit man, aming sasabihing ang inyong bagong PAMB Resolution No. 2015-11 ay mukha ng korupsyon at panghoholdap sa amin. Hindi kami tutol sa singilan dahil alam naming ito'y kaakibat ang tutol kami ay ang labis at hindi malinaw na patutunguan. Ang nasabing resolusyon ay mangangahulugan ng pagliit ng bilang mga toristang makakakita ng yaman ng kalikasan ng Mt. Apo. Na ang hindi namin pagdalaw sa nasabing bundok ay maaaring magbigay ng pagkakataon sa mga oportunista na sirain ang bundok dala ng illegal logging at potensyal ng pagmimina. 

Ang anumang pinansyal na kaganapan sa bundok ay dapat mapunta sa mga taong nakatira dito at hindi yaong mga nasa loob lamang ng opisinang nakaupo. Kami bilang komunidad ay naglalayon na makatulong sa komunidad ng aming dinadalaw na bundok at isang paraan ay ang pagbibigay ng tamang bayad sa serbisyo na aming natatanggap. Sapat na ang antas ng singilan na ngaganap sa mga porteres at guide, nawa wag nyo na pabigatin pa ang aming pasanin sa pagdalaw namin sa Mt. Apo.

Amin pong tinatawagan ng pansin ang inyong mga konsiderasyong ibasura ang PAMB Resolution No. 2015-11 at itigil iba pang di makatarungang bayarin sa Mt. Apo.

 

 

 

 

This petition was delivered to:
  • President Benigno Aquino III
  • DENR Secretary Ramon J.P. Paje
  • Protected Area Management Board (PAMB) of Mt. Apo Natural Park

    The Philippine Mountaineering started this petition with a single signature, and now has 212 supporters. Start a petition today to change something you care about.