REPEAL RA 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AND ENACT HB 477 RICE INDUSTRY DEV'T ACT (RIDA)

REPEAL RA 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AND ENACT HB 477 RICE INDUSTRY DEV'T ACT (RIDA)

0 have signed. Let’s get to 5,000!
At 5,000 signatures, this petition is more likely to get picked up by local news!

Bantay Bigas started this petition to Pres. Rodrigo Duterte and

PEOPLE’S PETITION TO REPEAL REPUBLIC ACT 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AND ENACT THE HOUSE BILL 477 RICE INDUSTRY DEVELOPMENT ACT (RIDA)

This October 2020, many Filipino rice farmers are distraught by the falling farm gate prices of palay, all due to the implementation of the Republic Act 11203 Rice Liberalization Law.  The policy of liberalization is part and parcel of the whole neo-liberal framework which is nothing but freedom to the rice or those with capital, and the government has surrendered its mandate to regulate the national rice industry, thus, serving the interests of foreign monopoly traders importing rice, and local big private traders that dictate the low farm gate prices in the provinces.

A main feature of the RA 11203 was the repeal of the significant mandate of the National Food Authority (NFA) for “integrated growth and development” of the national rice industry, o set the “floor price” for harvested palay, to ensure fair returns to the rice farmers, and control rice stocks to stabilize the farm gate and retail prices; and the sole power to import rice from other countries.

All these important functions for the national rice industry, were surrendered to the private sector, dominated by foreign monopoly import traders and local big palay traders.  Therefore, they are able to dictate low farm gate prices, and high retail prices, both detrimental to the poor rice farmers and consumers in the country.

The Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) provision of the RA 11203 or the P10-billion budget failed to save the national rice production.  A measly 10% or P1 billion is allotted for farmers, and worse it is for loans.  It will never bring back their losses estimated at P75 billion in 2019, all due to depressed farm gate prices.

At present, bankruptcy and worsened indebtedness all wait the Filipino rice farmers.  This will eventually displace them from their lands, thus, the further downfall of national rice production.  Based on government data, rice self-sufficiency feel from 2016’s 95% to 86% in 2018, and estimated to drop down further to 80% in 2019.  Therefore, the Filipino population is doomed with shrinking rice production, which will end as desperation for adequate imported rice.

The Filipino people are learned of the detrimental impact of import-dependence for basic needs, such as the incessant price hikes of petroleum products, and other equipment, to which lies behind the control of foreign monopoly and their local oligarch counterparts over the prices.  If this anti-people scheme is further replicated on rice, this will be a man-made disaster brought about by policy-makers, and present Filipinos and the next generation are the grave victims.

Filipino rice farmers are opposing the RA 11203 and call for its repeal based on the following important points:

1.      Prior its enactment, the farmers were already enduring chronic crisis and poverty, thus, they are facing unrecoverable debts, leading to their displacement from lands, and termination of rice production for the Filipino population.

At present (October 2020), farm gate prices of palay are down and bankruptcy of rice farmers are imminent: P10 to P14 per kilo in Nueva Ecija, Isabela, Tarlac, Bulacan, Pangasinan, Mindoro, Ilocos Sur and Bicol, same in Negros Occidental, Capiz and Antique; at P11 to P15 per kilo in Agusan del Sur, Davao del Oro, Davao del Norte, South Cotabato, North Cotabato, Lanao del Norte and Caraga.

2.      Filipino rice farmers lost at least P75 billion due to the implementation of the RA 11203.  The value of palay in 2018 was at P20.19 per kilo but this drastically fell to P16.22 per kilo in 2019.  Thus, by applying the decline to the little more than 18.8 million metric tons volume of production of 2019, it amounted to P74.8 billion, which was the lost potential income of rice farmers that year.

3.      The RA 11203 did not serve the welfare of both poor producers and consumers.  It led to the bankruptcy and indebtedness of rice farmers, while retail prices remain unaffordable to poor consumer families who have low purchase power and household incomes.

4.      The solutions to the chronic crisis of the national rice industry are:

·         Respect the rights of farmers on land, for rice and food production in the country to remain sustainable and uninterrupted;

·         100% irrigation development; adequate subsidies and production support; provision for much-needed machineries and equipment; and free post-harvest facilities;

·         Government procurement of palay at at least P20 per kilo directly from farmers, to declare it as a public stock, free from the control and dictates of private traders;

·         Sustained research and development for organic rice production, as means to cut down costs and dependence to imported agro-chemical inputs, and to preserve the environment;

·         Subsidized pricing for the interest and welfare of poor consumers.

All of these important alternatives or recommendation for the welfare and interests of both poor rice farmers and consumers are all stated in the House Bill 477 Rice Industry Development Act (RIDA).

5.      The Filipino people should defend the national rice industry as this is national patrimony, for the national security and self-sufficiency, a pillar of national sovereignty, right to food and right to livelihood enshrined in the International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (IESCR), to which the Republic of the Philippines is a signatory.

The affixing of signature on this petition is deemed the expression for the repeal of the Republic Act 11203 Rice Liberalization Law and the enactment of the House Bill 477 Rice Industry Development Act.

REPEAL RA 11203 RICE LIBERALIZATION LAW NOW!

ENACT HOUSE BILL 477 RICE INDUSTRY DEV’T ACT (RIDA)!

DEFEND PHILIPPINE RICE INDUSTRY AND AGRICULTURE!

SAVE THE FILIPINO FARMERS AND LIVELIHOOD!

UPHOLD NATIONAL FOOD SECURITY, RICE SELF-SUFFICIENCY AND SELF-RELIANCE!

[This petition is led by the Bantay Bigas, AMIHAN National Federation of Peasant Women, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis Partylist, Gabriela Women's Party]

_______________________________________________________________

[IN FILIPINO]

PETISYON NG MAMAMAYAN PARA IBASURA O I-REPEAL ANG REPUBLIC ACT 11203 RICE LIBERALIZATION LAW AT ISABATAS ANG HOUSE BILL 477 RICE INDUSTRY DEVELOPMENT ACT (RIDA)

Ngayong Oktubre 2020, danas na danas ng napakaraming maralitang magsasaka ang pagbagsak ng presyo ng palay, at walang ibang ugat ito kundi ang pagpapatupad ng Republic Act 11203 Rice Liberalization Law.  Ang patakarang liberalization, ay bahagi ng pangkalahatang neo-liberal na balangkas o kalayaan sa mayayamang negosyante, kung saan, isinusuko ng gubyerno ang kapangyarihan nitong mag-regulate sa industriya ng palay at bigas, para sa interes ng mga dayuhang monopolyong trader na nag-aangkat ng bigas, at mga malalaking pribadong trader na nagdidikta ng presyo ng palay sa mga probinsya.

Partikular na katangian ng RA 11203 ay ang pagtanggal sa mga mandato ng National Food Authority o NFA, para sa “integrated growth and development” ng industrya ng palay at bigas; magtakda ng “floor price” sa inaning palay para tiyakin ang pagbalik ng ipinuhunan ng mga magsasaka para sa pagsasaka; mamili ng palay at kontrolin ang stock ng bigas para i-istabilisa ang presyo ng palay at bigas; at kapangyarihang solong makapag-angkat ng bigas mula sa ibayong dagat. 

Ang lahat ng aspetong ito sa industriya ng palay at bigas, ay isinuko na sa pribadong sektor, na pinaghaharian ng dayuhang monopolyo sa importasyon at malalaking pribadong trader sa pamimili ng palay.  Kung kaya, diktado nila na mababa ang presyo ng palay, at mataas naman ang presyo ng bigas, na parehong bumibiktima sa mga maralitang magsasaka at konsyumer sa bansa.

Hindi rin naisalba ng probisyon ng RA 11203 na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) o P10 bilyon para sa pagpapaunlad ng produksyon ng palay sa bansa. Sampung porsyento o P1 bilyon dito ay ilalaan para umano ipautang sa mga magsasakang apektado ng batas.  Hindi rin nito kakayaning ibalik ang naluging P75 bilyon ng maraming magsasaka noong 2019, dahil sa pagbagsak ng preyo ng palay. 

Hanggang sa kasalukuyan, pagkalugi at pagkakabaon sa utang ang naghihintay sa mga magsasaka, at sa kalaunan ay magtutulak ito sa kanilang pagkakatigil sa pagsasaka, na siya namang magbubunga ng lalo pang pagbagsak ng produksyon ng palay sa bansa.  Ayon mismo sa gubyerno, mula 2016 na ang self-sufficiency o bahagi ng lokal na palay ay nasa 95%, bumagsak ito sa 86% noong 2018, at tinatayang bumagsak ito sa 80% noong 2019.  Samakatuwid, ang naghihintay sa mamamayang Pilipino ay papaliit na produksyon ng palay, na siya namang magbibigay-daan sa mas malaki pang pagbaha ng imported na bigas. 

Danas ng mamamayang ang epekto ng dependensiya sa pag-aangkat sa mga batayang pangangailangan, tulad ng produktong petrolyo at mga kagamitan, na ang dayuhang monopolyo at mga kasosyo nitong malalaking negosyante ang nagdidikta ng presyo.  Kung ito ang magaganap sa bigas, ito ay malaking trahedyang likha ng mga policy-makers na bibiktima sa malawak na mamamayan at sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Tinutulan ng maraming magsasaka at mamamayan ang pagsasabatas ng RA 11203 at ipinapanawagan ang pagbasura rito dahil sa mga sumusunod na batayan:

1.      Bago pa man ipatupad at hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng Rice Liberalization Law, krisis at kahirapan na ang dinanas ng mga magsasaka at ngayon ay humaharap sila sa hindi mababalikwasang pagkakabaon sa utang, patungong sa pagkakatanggal sa mga sakahan at pagtigil sa produksyon ng palay para sa mamamayang Pilipino.   

Sa kasalukuyan (Oktubre 2020), bagsak at palugi ang antas ng mga presyo ng palay sa buong bansa: na P10 hanggang P14 kada kilo sa Nueva Ecija, Isabela, Tarlac, Bulacan, Pangasinan, Mindoro, Ilocos Sur at Bicol; gayundin sa Negros Occidental, Capiz at Antique; nasa P11 hanggang P15 kada kilo naman sa Agusan del Sur, Davao del Oro, Davao del Norte, South Cotabato, North Cotabato, Lanao del Norte at Caraga.

2.      Mahigit P75 bilyon ang lugi ng maraming magsasaka mula nang ipatupad ang RA 11203.  Ang halaga ng kada kilo ng palay noong 2018 ay nasa P20.19 kada kilo ngunit bumagsak ito ng P16.22 noong 2019.  Kung ilalapat ang pagbagsaka na ito sa kabuuang aning palay na mahigit ng konti sa 18.8 milyong metriko tonelada noong 2019 ay aabot ito P74.8 bilyon, o nawalang kita dahil nga ipinatupad ang RA 11203.

3.      Napakaraming manipestasyon mula sa maraming mga magsasaka at maralitang konsyumer na hindi nagbunga ng pabor na pagbabago ang RA 11203, o sa aktwal ay nagbunga ito ng pagkalugi at pagkakabaon sa utang ng mga producer, gayung ang presyo naman ng bigas ay nananatiling mataas para sa maliliit na kita ng mga maralitang pamilya.

4.      Ang solusyon sa kronikong krisis sa industriya ng palay at bigas ay:

·         igalang ang karapatan ng mga magsasaka sa lupa upang magpatuloy sila sa produksyon ng palay at pagkain para sa bansa;

·         sandaang porsyentong irrigation development sa mga sakahan; sapat na subsidyo at suporta sa produksyon; probisyon ng makinarya at libreng serbisyo para sa mga post-harvest facilities;

·         pagbili ng mismong estado para ituring na public stock ang palay at bigas, kontra sa mga dikta ng pribadong trader;

·         puspusang pananaliksik para sa organikong produksyon ng palay bilang pagpapababa ng gastos para sa mga agro-chemical input at preserbason ng kalikasan at katubigan; at

·         subsidyo para panatilihin ang mababang presyo ng bigas para sa interes ng mga maralitang konsyumer.

Ang lahat ng ito at mas marami pa para sa interes ng mga maralitang magsasaka at konsyumer ay nakapaloob sa House Bill 477 o Rice Industry Development Act (RIDA).

5.      Dapat na ipagtanggol ng mamamayang Pilipino ang pambansang industriya ng bigas dahil ito ay pambansang patrimonya; para sa pambansang kaseguruhan sa pagkain at pagkamit sa self-sufficiency; haligi ng pambansang soberanya; karapatan sa pagkain (right to food) at karapatan sa kabuhayan (right to livelihood) na tampok sa International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights, kung saan nakapirma ang Republika ng Pilipinas.

Ang paglagda sa petisyong ito ay pagpapahayag para sa pagbasura o pag-repeal ng Republic Act 11203 Rice Liberalization Law at pagsasabatas ng House Bill 477 Rice Industry Development Act.

KAGYAT NA IBASURA ANG RA 11203!

ISABATAS ANG HB 477 RICE INDUSTRY DEVELOPMENT ACT (RIDA) AT HB 476 REPEAL RA 11203!

DEFEND PHILIPPINE RICE INDUSTRY AND AGRICULTURE!

SAVE THE FILIPINO FARMERS AND LIVELIHOOD!

ISULONG ANG NATIONAL FOOD SECURITY, RICE SELF-SUFFICIENCY AT SELF-RELIANCE!

[Ang petisyon na ito ay sa pangunguna ng Bantay Bigas, AMIHAN National Federation of Peasant Women, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis Partylist, Gabriela Women's Party]

0 have signed. Let’s get to 5,000!
At 5,000 signatures, this petition is more likely to get picked up by local news!