Wag Hayaang Mamatay ang Apoy na Sinimulan ni Alchie Paray

Wag Hayaang Mamatay ang Apoy na Sinimulan ni Alchie Paray

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Anonymity Equality started this petition to Philippine Senate and

Ika-2 ng Marso, 2019, isang guwardiya na ang pangalan ay Alchie Paray, ang naglakas loob na ilagay ang batas sa kaniyang kamay ng manghostage ng 55 katao sa Greenhills Shopping Mall. Biktima ng pang aabuso, ang naturang guwardiya ay wala nang maisip na ibang paraan upang mapakinggan ng mga nasa taas makalipas ang ilang pagtatangka. Magulo ang isip, determinado, at handa sa anumang kahihinatnan, yan and mukhang nakita ng mga tao at bilang resulta, nakuha niya ang simpatya ng libo libong mga Pilipino.

Kwento ng karaniwang Pilipino ang kwento ni Paray. Kwento ng mga taong araw araw tinitiis ang pang aabuso sapagkat walang boses. Araw araw na hinahayaang tapakan ng iba sapagkat takot na kaharapin ang kawalan ng trabaho o personal na mga panlalait. Takot na di mapakinggan, Takot na tawanan, takot na kumawala sa kadena ng pang aabuso. Bakit nga naman ba? Kung sa kaunti mong pagsalungat ay magugutom ang pamilya mo, sisiraan ka ng amo mo, o makaririnig ka ng masasakit na salitang maging ang pinakamatibay na puso ay masasaktan? Hahayaan pa ba nating dumami ang mga tulad ni Paray? Hahayaan pa ba nating kumapit sa walang kasiguraduhan ang mga mangagawa bago tayo kumilos? May magagawa tayo! Iparinig ang ating boses! Magkaisa tayo.

Layunin ng petisyon na ito na gumawa ng isang grupo kung maaari, isang grupo na may direktang kontak sa Labor Department at isang grupo na pinoprotektahan ng isang batas na may layuning itaguyod ang kapakanan ng manggagawa. Grupong hindi politikal, binubuo ng mga boluntaryo na gustong tumulong sa pagpaparating ng mga hinaing. Isang grupo na direktang makikipag unayan sa mga puno ng Labor Department upang mapag usapan at matulungan ang mga mamamayan. Kung maarari ay pondohan sa pamamagitan ng Gcash halimbawa na kung saan maging ang piso ay makatutulong sa pagpapanatili nito. Magkapit bisig tayong mga manggagawa, ang panahon ay ngayon na.

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!