AYUDA para sa mga magsasaka at mangingisda sa probinsya ng Ilocos Sur

AYUDA para sa mga magsasaka at mangingisda sa probinsya ng Ilocos Sur

0 have signed. Let’s get to 25!
At 25 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Sanggir ken Urnos dagiti Mannalon iti Probinsya ti Ilocos Sur started this petition to Philippine Government and

Petisyon ng mga nasalantang magsasaka at mangingisda para sa kagyat at sapat na ayuda!

Maraming bayan sa probinsya ng Ilocos Sur ang binaha dahil sa tatlong linggong walang humpay na pag-ulan dulot ng habagat at bagyong Fabian. Sinira nito ang mga sakahan at ibang pananim ng mga magsasaka.


Sa munisipyo ng Sta. Maria, umabot na sa 10 ektaryang palayan ang naitalang lubog sa baha at humigit-kumulang sa 30 pamilya ang apektado. Gayundin sa Bantay, lubog sa baha ang maraming palayan na nagdudulot ng panghihinayang sa mga magsasaka sa nasabing lugar dahil katatapos lamang ng kanilang Lamosa (huling bugso ng pagtatanim ng palay) noong Hunyo-Hulyo. Nasira ang mga pananim gaya ng saging sa bayan ng Quirino at asahan na marami pang bayan ang hinagupit ng masamang panahon. Magdudulot ito ng ibayong pagkalugi sa marami nating kababayang magsasaka at mangingisda bunsod sa hindi pa nabawing kita noong nakaraang taon dahil sa hindi matapos-tapos na pandemya at lockdown.


Dagdag pasanin pa ang patuloy na pagbagsak ng presyo ng produkto ng palay dahil sa Rice Liberalization Law habang patuloy na tumataas naman ang presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN LAW. Umaabot na mula sa P21-27 na presyo ng palay ay bumagsak sa P16/kilo ngayong taon. Nangangambang muli ngayon ang mga magsasaka sa tatamasaing pagkalugi nila sa mga produktong nasira dahil sa hagupit ng mga bagyo. Tulad ng magsasaka ay apektado rin ang kabuhayan ng mga mangingisda, walang katiyakan ang kanilang hanapbuhay sa tuwing masama ang panahon. Habang labis ang epekto ng pandemya at lockdown sa kanila dahil sa restriksyon sa pagbebenta ng kanilang produkto.


Pangamba ngayon ng magsasaka at mangingisda kung saan muling kukuha ng pamalit sa kanilang nawalang kabuhayan at mga pananim.


Kasama ang lahat ng pesante sa probinsya, nananawagan ang organisasyon ng SUMAPI na marapat lamang bigyang-pansin ito ng gobyerno at kagyat na mabigyan ng sapat na ayuda ang mga magsasaka at mangingisda. Maging kabahagi ang mga lokal na gubyerno sa pagsusulong ng panukalang batas para sa P15,000 subsidyo para sa mga nasalantang magsasaka at mangingisda. Dapat maglaan ng kagyat na ayuda sa mga apektadong magsasaka mula sa RA 7171.

Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang panawagan ng magsasaka at mangingisda ng Ilocos Sur sa pagsusulong ng kabuhayan, kalusugan at karapatan!

#TignayIlocandia at pirma na sa ating petisyon!

#AyudaIbigayNa

#RA7171Pagsilbihin

#P15000SubsidyoIpatupad

#KabuhayanKalusuganKarapatanIpaglaban

 

0 have signed. Let’s get to 25!
At 25 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!