Petition Closed

Malusog na bantay, iwas patay

This petition had 100 supporters


                   Karamihan sa mga kalsada at kalye ngayon ay mayroong mga aso na makikita at ang karaniwang mga aso na ito ay Askal o asong kalye. Sa tuwing dumadaan tayo sa kalye at may pagkakataong meron kang makakasalubong na aso ay wala kang kasiguraduhan na kung ito'y naturukan na ng anti-rabies. Kung minsan ay mababangis pa ito kapag nakakita ng hindi kilalang tao na maari pang maging kahantungan nito'y pangangagat ng aso na may rabies na pwedeng ikamatay ng tao o nakagat.

                   Mahigit 7-10 milyon ang bilang ng dami ng aso sa Pilipinas. Kilala narin ito na may pinakamaraming aso na bansa sa silangan. Kaya't nais kong mabigyan ito ng aksyon at pansin na alisin na ang aso sa kalye at sa halip, wag itong pakawalan at palabasin ng bahay maliban nalang kung ito'y kasama ng may-ari at mayroon tali sa leeg ng aso na hawak ng may-ari, ngunit kung walang kakayahan ang tao na mag-alaga nito, mas mabuting ipaubaya nalang ito sa isang Animal center na may kakayahang alagaan ito. Sa ganitong paraan, nas magiging maayos at kumportableng makadadaan ang mga tao sa mga kalye. Bukod pa rito, mas magiging malinis at disenteng tignan ang mga kalye dahil mawawala ang mga dumi ng mga aso na maaaring matapakan ng mga tao.

                  Nais kong magkaroon ng mga suporta galing sa mga tao na gusto rin itong mapansin upang maisapatupad at maisabatas narin para sa ika-bubuti ng mga tao sa buong Pilipinas.

 

                



Today: gladwen is counting on you

gladwen vaso needs your help with “Philippine Animal Welfare Society: Malusog na bantay, iwas patay”. Join gladwen and 99 supporters today.