PETISYON PARA SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG ABONO AT LANGIS

PETISYON PARA SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG ABONO AT LANGIS

Started
July 1, 2022
Signatures: 252Next Goal: 500
Support now

Why this petition matters

Started by KPL La Union

Mabigat na pasanin para sa masang anakpawis ang matinding paglobo ng presyo ng abono at langis. Bunga ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produktong ito, nagsisitaasan na rin ang presyo ng iba't ibang bilihin. Kalbaryo it ng buong mamamayang Pilipino.

Sa La Union, natutulak ang mga magsasaka na ipaupa na lamang sa iba ang dati nilang tinataniman sapagkat kinakapos na sila sa puhuan, dulot ng paglobo ng presyo ng mga farm input. Umabot sa halos 300% ang itinaas ng presyo ng bawat kaban ng abono, mula sa dating P900-P1,100 patungong P3,000-3,200.

Samantala, linggu-linggong tumataas ang presyo ng diesel. Sa loob lamang ng dalawang linggo ngayong Hunyo 2022, halos P15 na ang itinaas ng presyo ng bawat litro ng petrolyo. Umaabot na sa halos P100 bawat litro ang dati'y P40 lamang.

Sa ganitong kalagayan, mas lalo pang nasasadiak sa hirap ang naturang mga sektor. Lubhang mas mababa na ngayon sa P200 kada araw nabubuhay ang masang anakpawis ng La Union.

Ang petisyon na ito ay patunay sa nagkakaisang boses hindi lang ng mga magsasaka at mangingisda, kundi pati na rin ng iba't ibang sektor ng lipunan, na ibaba ang presyo ng abono at langis.

Higit pa sa subsidyo na ibinibigay ng pamahalaan, iginigiit ng mamamayan na itigil ang patakarang liberalisasyon sa abono. Dapat bigyang importansya ng pamahalaan ang paglikha ng sariling suplay ng abono ng bansa at hindi na umasa sa pag-angkat ng abono. Dagdag pa, dapat ibasura ang excise tax at value added tax sa krudo. Ito ang magtitiyak ng pagiging abot-kaya ng presyo ng langis.

Support now
Signatures: 252Next Goal: 500
Support now