Petisyon para sa Emergency Ayuda ng mga Manggagawa sa FAB

Petisyon para sa Emergency Ayuda ng mga Manggagawa sa FAB

Started
July 8, 2022
Signatures: 70Next Goal: 100
Support now

Why this petition matters

Started by NMFAB Mariveles

Kami ay mga manggagawa mula sa iba't ibang pabrika sa FAB na kasalukuyang tinanggal sa trabaho o naka floating status dahil sa iba't ibang kadahilanan katulad ng:

1) mga manggagawang kontraktwal na na-finished contract dahil sa nangyaring sunog sa DLX

2) mga manggagawang regular na kasalukuyang nasa indefinite forced leave status dahil sa nangyaring sunog sa DLX

3) mga manggagawa (regular at kontraktwal) na apektado sa inihain na Temporary Partial Closure ng FPF mula Agosto 7 - Oktubre 8 ng 2022

4) mga manggagawa (regular at kontraktwal) na apektado ng Forced Leave ng FCF mula Agosto 7 - Oktubre 8 ng 2022

5) at iba pang kahalintulad na mga dahilan

Hindi pa namin nadarama ang 30 pesos na umento sa sahod ay ganito na ang nangyari sa amin.  Idinadaing ng mga management ng aming kumpanya ang diumano'y pagkalugi dahil sa sunog sa DLX, kawalan ng gawa at lumolobong gastos sa produksyon dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at digmaan sa Ukraine at Russia.  Totoo man o hindi na ito ang kanilang batayan ay isang bagay na dapat imbestigahan ng mga ahensya ng gobyerno na nakakasakop nito, ang mas mabigat ay bakit kami na mga manggagawa ang malalagay sa balag ng alanganin.

Marami sa amin ay mag-asawa na parehong nagtratrabaho sa mga nabanggit na pabrika, paano mabubuhay ang aming pamilya?  Ang iba naman sa amin ay mga kontraktwal na manggagawa na gumastos ng humigit kumulang Php 3000 para sa online requirements para lamang makapasok.  Hindi pa namin nababawi ang mga ipinangutang para sa requirements, eto at muli na naman kami mawawalan ng trabaho.

Nagkaisa kami sa petisyon at panawagan na ito upang hilingin na kami ay mabigyan ng ayudang pagkain, pantustos sa muling pag-apply sa trabaho, at subsidyo habang kami ay hindi pa nakakapasok.  Kami ay mga mararangal na manggagawa na handang magtrabaho para sa aming pamilya, sana po ay matulungan niyo kami.

Support now
Signatures: 70Next Goal: 100
Support now