People Power 3 - Ang Panawagan ng Totoong Pagkaka-isa para kay Leni Robredo

People Power 3 - Ang Panawagan ng Totoong Pagkaka-isa para kay Leni Robredo
Why this petition matters
Pilipinas, panahon na para kumilos! Wala pang isang buwan, halalan na!
Pilipinas, hindi lang isang pulitiko ang makakatalo ng makinarya ng kadiliman. Kinakailangan nating palakasin ang liwanag ng ating ilaw ng tahanan. Tayo ang magaapoy ng landas patungo sa tagumpay. Tayo ang magliliyab ng daan para sa isang bagong pag-asa.
Pilipinas, panahon na para sabihin kay Isko, Manny, Ping at Leody na magkaisa at suportahan si Leni. Sabihin na natin sa kanila na isantabi na muna ang kanilang mga ambisyon para sa kapakanan ng ating bayan. At sabihan natin si Leni na ipaglaban ang kanilang mga adbokasiya!
Pilipinas, alam natin na hindi gumagalaw ang mga kampo para kausapin ang isa’t isa para mag unify muli. Kaya’t kung hindi manggagaling sa mga pulitiko ang totoong unity, ipakita natin na ang taumbayang nangangahulugan sa ating kasaysayan ng People Power, ay gumagalaw muli at lumalaban para sa ating kinabukasan!
Netizen, nasa atin na ang teknolohiya para gumawa ng isang Digital People’s Movement!
Bata ka man o matanda, botante o hindi, mayaman o mahirap, ito ang inyong oportunidad para marinig ang iyong boses. Kaya sumigaw ka na: Rosas ang Kulay ng Bukas! Aangat ang Lahat sa Gobyernong Tapat!
Pilipinas, panahon na para magkaisa ang taumbayan laban sa legasiya ng diktadurya.
Pilipinas, panahon na para magkaisa laban sa kultura ng korapsyon na pinangungunahan ng mga political dynasty.
Pilipinas, panahon na para bumoto sa lider na hindi ninanakaw ang kinabukasan ng inyong pamilya.
Pilipinas, panahon na para magkaisa para sa gobyernong ipaglalaban ka!
Pilipinas, na sa ‘yo ang kapangyarihan para ilathala ang ating kinabukasan!
Ako po si JT Valiente, isang OFW na lumalaban para sa bayan! Pirmahan ang petition na ito, at samahan mo akong tumindig para makakuha ng 1 million signatures by May 1, 2022!