PATRIA CALLS FOR LETRAN - SUSPEND CLASSES NOW!

PATRIA CALLS FOR LETRAN - SUSPEND CLASSES NOW!
Ngayong ika-9 ng Mayo 2022, ay ang itinakdang opisyal na araw ng pagboto ng bawat Pilipino sa bawat sulok ng ating bansa. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, naging iba ang mukha ng botohan na naganap ngayong taon. Ang pinaghandaan na malinis at maayos na halalan ay nauwi sa mga masalimuot na kaganapan.
Umaga pa lamang ng itinakdang araw, marami nang mga nasirang Vote Counting Machines (VCM), ilegal na pagbili ng boto, pagpapaiwan ng mga balota ng hindi nakikita ang resibo, at hindi mabisang proseso ng pagboto. Dahil rito, maraming mga estudyante ang nakaranas ng matinding pagkaubos. Gayunpaman, patuloy na pinipiling tumindig at manindigan dahil ito ang turo ng Colegio—para sa Patria.
Karamihan sa mga Letranista ang parte ng populasyon na unang beses bumoto ngayong Halalan 2022. Kung kaya’t ang kanilang pagtindig ay lubos na mahalaga at kanilang pinanghahawakan. Subalit, ang patuloy na hindi kaaya-ayang kaganapan tungkol sa halalan ay nagbibigay nang lubos na pangamba at anxiety na nagreresulta sa pagkawala sa pokus at motibasyon ng bawat mag-aaral; isaalang-alang pang tayo ay nasa pangwakas na pagsusulit ngayong linggo. Hindi maikakaila na ito ay maaaring maging sanhi ng hindi magandang resulta sa marka
Alinsunod dito, ang mga Letranista ay nananawagan sa mga taga-pangasiwa ng Colegio de San Juan de Letran - Manila na pansamantalang ihinto ang mga klase at pagsusulit ng isang linggo at ipagpatuloy ang semestre sa Mayo 16-21, 2022. Naniniwala kaming ang pagsasaayos ng Academic Calendar ay tunay na mahirap, gayunpaman, habang hinahangad natin ang isang patas at makatarungang halalan na lubos na makakaapekto sa buhay ng bawat isa sa susunod na anim na taon o higit pa.