Repasuhin ang Philhealth Circular 2020-0014

Repasuhin ang Philhealth Circular 2020-0014
Why this petition matters

Matindi ang pinag dadaanan ng OFWs ngayon sa Global Crisis natin sa COVID ngunit pinalabas ng ating Philhealth under Universal Healthcare law ang bagong batas na RA11223 na nagsasaad ng mandatory 3% of OFWs salary para sa contribution niya bawata taon sa Philhealth.
Hinihiling namin ang mga sumusunod sa ating Goberno lalo na ky President Rodrigo Roa Duterte "Tatay Digong":
1. Na dapat ipaliwag ng mabuti ang batas na ito sa mga OFW bago ito ipasa sa congreso.
2. Magkaroon ng OFWs consultation kung ano ang mga panuntunan ng batas na ito sino ang qualipikado at sino ang makikinabang sa health insurance na ito.
3. Wag natin gawing mandatory ang health insurance ng Philhealth for OFW dahil meron na po silang health insurance abroad shouldered by their foriegn company.
4. Wag po masyadong lakihan ang contribution dahil hindi po lahat ng OFW ay merong sapat na sahod pambayad para po diyan.
5. Hindi dapat gawing mandatory, hindi salary-based at mas lalong hindi ka magbabayad ng interest kung sakaling maka-missed ka sa pagbabayad.
6. Sanay bigyan ng option ang OFW na kung hindi niya nagamit ang pera sa Philhealth sa loob ng dalawang taon ay maari niya itong makuha in full amount with 3% interest kada taon.
Ang buong hanay ng OFW Global Movement for Empowerment ay nanawagan at nakikiisa po kami upang mabigyan ng kasagutan at hustisya ang karapatan ng bawat OFW tungkol sa Philhealth Policy na ito.