NO TO STA. CRUZ SEA WALL

NO TO STA. CRUZ SEA WALL
Why this petition matters
Ang Sta. Cruz ay ang pinakadulong coastal barangay ng bayan ng Donsol sa probinsya ng Sorsogon.
Ang lugar na ito ay biniyayaan at may taglay na magandang dalampasigan na mahahalintulad sa iba pang tourist destinations sa bansa.
Ang dagat sa harap nito ay feeding grounds ng bantog na Whaleshark o Butanding. Dito din nahuhuli ang mga giant squid o pusit na siyang pangunahing pinagkukuhanan ng hanapbuhay ng mga residente.
Dahil sa ganda ng dalampasigan, may mga resort businesses na din na itinayo na siyang nagpapausbong ng turismo at nagbibigay ng dagdag na pagkakakitaan sa mga residente.
Ngunit ang magandang dalampasigan at hanapbuhay na ito ay nanganganib dahil sa ipapatayong SEA WALL.
Ang mga tao lalo na ang mga mangingisda ay tumututol sa proyektong ito dahil sisirain nito ang dalampasigan, natural ecosystem ng coast at lubos na makakaapekto sa mga mangingisda dahil sa mawawalan sila ng mapagdadaungan ng kanilang mga bangka.
Ag proyektong ito ay hindi din dumaan sa tamang public consultation at walang mga clearances kaya't ito'y maituturing na labag sa kagustuhan ng nakararami.
NO TO STA. CRUZ SEA WALL!
Sign this petition now and let us support the fisherfolks and defend the environment!