Magkaisa para humanap ng MAS PERMANENTENG solusyon sa mga pagbaha sa Oriental Mindoro!

Magkaisa para humanap ng MAS PERMANENTENG solusyon sa mga pagbaha sa Oriental Mindoro!

0 have signed. Let’s get to 50!
At 50 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
SAMBAYANAN started this petition to NDRMMC and

MAS PERMANENTENG SOLUSYON SA PAGBAHA, NGAYON NA!

(Isang Panawagan sa Sambayanang Mindorenyo)

Dahil sa umiiral na pandaigdigang Climate Emergency, at mga gawaing nakakadagdag sa pagsira sa Inang Kalikasan, taun taon mula pa nuong 2015, ay patuloy tayong sinasalanta ng baha. May bagyo man o wala, takot na ang umiiral sa puso at isip ng mga mamamayan sa malawakang pagbahang idudulot nito.

Bagamat may mga pagkilkos ang ating pamahalaan at mga ahensya nito, nagsisilbi lamang itong panandalian. At bukod pa sa mala band-aid na mga solusyong ito, hindi nagkakaisa ang iba’t ibang bayan sa pagsawata ng krisis na ito.

Ang resulta: Bilyong piso ng pagkasira ng mga industriya at mga hanap-buhay ng mga mamamayan at ang hindi epektibong pagresolba sa nakapalaking isyung patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan taun-taon.

Tama na ang turuan at paghahanap ng masisisi sa problemang ito. Ngayon ay panahon na upang magsama-sama muna, kalimutan ang mga hidwaan, at kolektibong maghanap ng MAS PERMANENTENG solusyon sa isang problemang lahat tayo ay apektado.

Kung kaya’t kami, mga mamamayan ng Lalawigan ng Oriental Mindoro na palagiang apektado ng malawakang pagbaha na ito ay nananawagan:

Sa lahat ng mga halal na lider ng mga barangay, bayan, probinsya, mga ahensya nito, mga halal na mambabatas, sa lahat ng mga konsernadong grupo, sa lahat ng mamamayan, at sa pamahalaang nasyunal…

PAGKAKAISA!

Magkaisa upang sama-samang hanapan ng solusyon ang problemang ito.

Kami ay nananawagang magkaroon na ng SINSERO, MALAWAKAN, at EPEKTIBONG Flood Summit na hahanap ng MAS PERMANENTENG solusyon sa taun-taong malawakang pagbaha.

Kung nagsasawa ka na sa taun-taong nararanasan nating malawakang pagbaha, may bagyo man o wala, pirma na.

0 have signed. Let’s get to 50!
At 50 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!