Petition Closed

Traffic sa Cabanatuan, Dapat Masolusyunan

This petition had 100 supporters


Ang traffic sa Cabanatuan ay isa sa mga pangunahing problema dito sa Cabanatuan. Dahil na rin sa dami ng tricycle dito na tinaguriang "Tricycle Capital of the Philippines". Talaga namang sa araw-araw na ating pamumuhay, Araw-araw din na pinoproblema ng mga mamamayan ng Cabanatuan ang traffic mapa-umaga man, tanghali o gabi na nagiging dahilan upang ma-late ang mga estudyante sa kanilang paaralan pati na rin ang guro, mga pumapasok sa kani-kanilang trabaho at iba pang mga mamamayan. Makakatulong ang pag lagay ng traffic lights sa mga highway at pagsasa-ayos sa mga sirang traffic lights na hindi gumagana na nagiging sanhi ng matinding traffic. Makakatulong din ang pagkakaroon ng sapat na traffic enforcer sa mga lugar na madalas na traffic, upang maiwasan ang lalong paghaba at pagtagal nito. Nang sa gayon ay hindi na nahihirapan at naiinis ang mga mamamayan ng Cabanatuan sa labis na traffic sa ating bayan.



Today: liezel is counting on you

liezel bulaclac needs your help with “Mayor: Traffic sa Cabanatuan, Dapat Masolusyunan”. Join liezel and 99 supporters today.