Petition Closed

Seguridad para sa mamamayan, Ilaw sa kalye at CCTV dagdagan

This petition had 104 supporters


     Sa panahon ngayon ay lubos nating kaylangan ang mga ilaw sa kalye lalo nat pagsasapit na ang gabi, ito ay makakatulong sa ating mamayan at aking kamag-aral. Kaylangan natin ito upang makita agad ang ating daan.

     Ang kakulangan ng ilaw sa kalye maaring ito ay magdulot ng masama sa ating mamamayan sa lungsod, maaaring may nag-aabang na masamang tao sa isang sulok na hindi pa natin nalalaman at maaari din namang may sira na daan o butas sa daan na makakapahak sa mga tao. Ilaw sa kalye ang solusyon upang maiwasan ang kapahamakan sa ating bayan.

     Isa din ang CCTV ang kaylangan ng ating Barangay o Lugar. Bakit ba natin kaylangan ng CCTV? ito ba ay makakabuti sa atin??

     Ang pag kakaroon ng CCTV sa ating Barangay o Lugar ay malaking tulong. Ito ang solusyon sa pag kapahamak ng mga tao, pag may CCTV maaaring maagapan kagad kung may kaguluhan man sa ating lugar maaaring rumesponde kagad ang ating barangay tanod o pulisya, at kung may maganap naman sa ating lugar na hindi maganda isa sa mga CCTV ang may pinakamatibay na ibedensiya sa ating korte.

     Ilaw sa kalye at CCTV ang solusyon upang maiwasan ang kapahamakan sa mamamayan.



Today: JohnRay is counting on you

JohnRay Angeles needs your help with “Mayor: Seguridad para sa mamamayan, Ilaw sa kalye at CCtv dagdagan”. Join JohnRay and 103 supporters today.