NO TO QUARRYING IN BULAN, SORSOGON

0 have signed. Let’s get to 500!


PETISYON

 Kami po na mga mamamayan ng Bulan, Sorsogon na nasa loob at labas ng bansa ay nagpapakita ng aming pagmamalasakit sa aming kapaligiran at kami po ay masidhing nagpapahayag ng aming pagtutol sa planong quarrying sa Barangays Butag, Sigad at San Ramon na may kabuuang 105 ektarya. 80 ektarya sa Brgy. Butag, 21 ektarya sa Brgy. Sigad at 4.8 ektarya sa Brgy. San Ramon.

Kami ay nananawagan sa Sangguniang Bayan Members ng Bulan, Lalong lalo na kay Vice-Mayor Azur na huwag mag-apruba ng “Resolution of No Objection” dahil sa mga sumusunod na dahilan.

1.       Walang matibay at masusing pag-aaral na isinasagawa sa magiging epekto nito sa kapaligiran, sa infrastructure, sa kalusugan, atbp.

  • Ang mga alikabok sa paghakot ng baras ay magdudulot ng pinsala sa kalusugan (Respiratory at Skin ailments) lalong lalo na sa mga bata.
  • Ang ingay ng mga heavy equipment ay magdudulot ng noise pollution na makakabulabog sa paligid lalo na kung itong quarrying ay pang matagalan.
  • Pagkasira ng mga kalsada at tulay na madalas na dadaanan nitong mabibigat at madaming trucks na kargado ng baras.
  • Posibleng pagbaha o flash flood kung maubos na ang bundok at mga halaman at puno nito.
  • Displacement ng mga pamilyang nakatira malapit sa quarry sites.
  • Mawawalan na ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa lugar gaya ng ibon at iba pang hayop.
  • At marami pang iba..

 

2.       Mukhang minamadali ito kung kaya’t walang matibay na pag-aaral at panahon na aralin at kaduda-duda ang ilang proseso o dokumento:

  • March 26, 2018 nang mag issue ang DTI ng Business Registration sa proponent ng nais mag quarry sa Brgy. Butag kung saan 80 ektarya ang kabuuan na ika-quarry sa 4 na lokasyon.
  • April 8, 2018, almost 2 weeks lang ay nag issue na ng Resolution Interposing No Objection ang Barangay Butag. Ang April 8 po ay araw ng Linggo. Nag se session po kaya talaga sila pag Linggo?
  • March 3, 2018, nag issue ng kaparehong resolution ang Barangay San Ramon. Ang March 3 ay araw ng Sabado. May Saturday session din po kaya sila?
  •   Kung mamasdan ang mga Resolution nitong 3 barangay ay magkaka pareho, ng format, font, font size, parang pipirmahan na lang.
  • Walang patunay na may ginanap silang “Public Consultation”, walang attendance sheet.
  • May 2, 2018 ang petsa ng sulat ng mga proponents kay Mayor Gordola na humihingi ng “Mayor’s Endorsement and Certification”.
  • May 4, 2018, 4pm ito na resib ng Mayor’s Office, Byernes ang May 4.
  • May 7, 2018, Lunes, bisita na ng SB sa kanilang session ang quarrying proponent at engineer nito at pinag-usapan ang planong quarrying.  Parang ang bilis naman po? Friday na ng 4pm na resib ng Mayor’s Office, pero Lunes ng umaga ay andun na agad sa SB session.

Historically, ay  record na nag-apruba na ang SB ng quarrying sa Bulan. Pero, umasenso po ba ang Bulan dahil dito?

Umunlad ba ang mga mahihirap na nakatira malapit sa quarry sites at ang mga naging empleyado ng quarrying?

Umunlad ba ang Brgy. G. del Pilar?

Ano po ang naging epekto?  

Ang Brgy. G. del Pilar po ngayon ay prone sa landslide dahil sa iniwa na nakatiwangwang ang site pagkatapos i-quarry. 

Uulitin na naman po ba ngayon? At, 105 ektarya pa po ang posibleng i-quarry.

Huwag po nating hayaang masira ang ating kapaligiran at Kalikasan.  

Tutulan po natin ito!

Nakita na natin kung paano umalma ang mga Bulanenyo sa nangyari sa Bulan Tree Tunnel Massacre.

Kaya po ang aming PANAWAGAN Kay Ginagalangang Mayor Meo Gordola at Vice-Mayor Azur ay NO TO QUARRYING!





Today: #BulanNgonianNetwork is counting on you

#BulanNgonianNetwork needs your help with “Mayor Meo Gordola: NO TO QUARRYING IN BULAN, SORSOGON”. Join #BulanNgonianNetwork and 444 supporters today.