Petition Closed

Karumihan ay dapat ng tigilan, Kalinisan ang dapat isaalang alang

This petition had 104 supporters


Ang karumihan sa paligid o ang basurang nagkalat sa paligid ay isa sa malaking problema na kinakaharap ng ating lugar, dahil na rin sa mga taong kung saan saan nagtatapon ng kanilang mga kalat.Tapon dito, tapon doon yan ang mga ginawa ng mga tao dito, hindi nila iniisip o naiisip ang kahihinatnang mangyayari sa atin at sa ating lugar. Marami ng napupwerwisyong tao dahil ang basura ay nakakapagdulot din ng sakit sa mga tao dahil sa mabaho at masangsang na amoy ng basura. Sa araw araw ng ating pamumuhay at sa dinami rami ng tao sa ating lugar isa, dalawa, tatlo o higit pa sa isang daang katao ang mga nagtatapon kung saan saan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit gayon nalang ang kanilang ginagawa? Ano nga ba ang magandang gawin at at solusyon para ito ay maiwasan at maaksyonan na? Unang una, ang mga tao ay nagtatapon kung saan saan dahil narin sa kawalan ng basurahan, ang mga tao ay ayaw na ayaw ang may hawak na kalat at ayaw naglalagay ng maga kalat sa kanilang mga bag kaya ang ginagawa nila ay itinatapon nalang kahit saan. Kaya ang dapat na solusyon sa problema na ito ay ang pagkakaroon ng basurahan o trash can sa bawat lugar o sa public na lugar at ang bawat basurahan ay kinakailangan lagyan ng label na “NABUBULOK”, “ DI NABUBULOK”, at “RECYCLE”. Pangalawa at panghuli na kailangang gawin ay ang pagkakaron ng multa sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura kung saan saan. Kapag ito ang nangyari at natupad, problema sa basura ay maiiwasan at masosolusyunan na.
 



Today: Joyce is counting on you

Joyce Ladines needs your help with “Mayor: Karumihan ay dapat ng tigilan, Kalinisan ang dapat isaalang alang”. Join Joyce and 103 supporters today.