Petition Closed

Pagsasagawa ng Street Lights sa Lungsod ng Cabanatuan

This petition had 98 supporters


Maraming lugar sa Cabanatuan ang nakararanas ng madilim na kalsada dahil sa kakulangan ng mga ilaw o street lights. Dahil dito marami sa atin ang natatakot maglakad mag-isa lalo na kapag gabi. At dahil madilim ang mga kalsada ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga masasamang-loob na gawin ang kanilang balak kagaya ng pang-hoholdap,paggahasa at pagnanakaw.
Malaki ang kahalagahan ng pagpapatayo ng mga street lights sa ating mga barangay upang hindi magkaroon ng lakas ng loob ang mga kriminal na gawin ang kanilang masamang balak at hindi na rin matatakot ang ating mga kababayan na maglakad sa gabi dahil maliwanag na ang mga lugar na kanilang dadaanan. Kaya dapat ay magpagawa ng mga street lights sa bawat barangay ng Cabanatuan upang maiwasan ang mga krimen o panganib na maaaring mangyari sa ating barangay at para mabawasan ang pangamba ng ating mga kapwa tuwing sila ay uuwi o maglalakad tuwing gabi.
Umaasa ako na sana ay mabigyan ny aksyon ng ating minamahal na Barangay Captains at ng ating Mayor na si Jay Vergara ang aking petition.



Today: Benjamin Joshua is counting on you

Benjamin Joshua Francisco needs your help with “Mayor Julius Vergara: Pagsasagawa ng Street Lights sa Lungsod ng Cabanatuan”. Join Benjamin Joshua and 97 supporters today.