Victory

Trash bins ang ipakalat hindi ang kalat

This petition made change with 101 supporters!


Ang basura ang pinaka unang dahilan kung bakit nagkakaroon ng baha, ang pagbaha ay walang maidudulot na mabuti satin. Hindi ang inang kalikasan ang may gawa sa atin nito kung hindi tayo ring mga tao. Binigay sa atin ng Panginoon ang mundo ng punong puno ng likas na yaman, binigyan din niya tayo ng masisilungan para maging kumportable ang ating pamumuhay. Ang kapalit nito ay ang resposibilidad na pangalagaan at protektahan ang ating mundo ngunit wala tayong ibang ginawa kung hindi sirain ito. Wala ng iba pang dapat sisihin kung hindi tayo.

Ginagawa natin ang mga bagay na hindi dapat gawin. Kaya nalalagay sa panganib ang ating kaligtasan pati na ang ating buhay. Ang simpleng bagay na pagtatapos ng basura sa tamang tapunan ay napakalaking tulong na upang magkaroon ng oportunidad para magkaroon ng pagbabago. Kailangan lang natin gawin ang lahat ng ating makakaya upang makamtam natin ang pagbabago na ating minimithi.



Today: Patrisia is counting on you

Patrisia Villapa needs your help with “Mayor Jay Vergara: Trash bins ang ipakalat hindi ang kalat”. Join Patrisia and 100 supporters today.