Victory

Paigtingin ang disiplina sa basura

This petition made change with 102 supporters!


Disiplina para sa basura, disiplina para sa buong bayan. Sundin ang katagang "kalat mo, linis mo." muling buhayin si inang kalikasan. Kabatueño makiisa sa pagbabago. Isinusulong ko ang pagbabagong ito upang gisingin ang mga kabatueño na nilisan at nilimot ang kapayapaan sa kalinisan.
Lumingon ka kababayan, lingunin ang bawat kanto o mapa-haligi man ng ating bayan. Kay dumi tila mo bang pinabayaan na ang sariling maka singhot ng mabaho at masangsang na samu't saring amoy na syang nag uugat ng samu' sari ring mga nag usbungan na sakit. "dengue, sakit sa baga, leptospirosis atbp."
Isa rin ang basura sa ugat ng pagkakaroon ng matataas na baha (typhoon) bumabara ang mga basura sa kanal ng bawat purok, at ito rin ang pinagmumulan ng sakit na " japanese encephalitis" sa mga kanal dito maaaring manirahan ang iba't ibang uri ng lamok ang sakit na japanese encephalitis ay wala pang lunas sa panahon ngayon. Nanaisin mo/natin pa ba na dumarami pa ang mga nagiging biktima ng nakakapangambang sakit na ito. Muli tayong magkaisa mga kababayan, linisin ang mga baradong kanal, Muling ipagbawal ang paggamit ng plastic, mag kusang mag handog ng mga bagong basurahan, paghiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok, at huli itapon ang kalat sa tamang basurahan. Tulungan muling makaahon sa kalugmukan ang ating lungsod. Mabuhay kababayan, mabuhay kabatueño.



Today: ivy is counting on you

ivy delossantos needs your help with “mayor jay vergara: Paigtingin ang disiplina sa basura”. Join ivy and 101 supporters today.