Traffic traffic dapat maalis

0 have signed. Let’s get to 200!


      Naranasan mo na bang maghintay ng napakatagal sa isang sitwasyong hindi mo alam kung uusap pa ba o mananatili ka nalang sa lugar na iyon? 

     Sa araw araw ay ating pamumuhay ay maganda sa paningin ang maayos na daloy ng trapiko. Ito ay talaga namang nakagagaan sa kalooban ng bawat tao na araw araw na kailangan pumasok sa trabaho man o eskwelahan. Ito ay sadyang nakahahalina ngunit pano kung isang araw ay maabutan mo ang pagbuhol buhol na daloy ng trapiko na nagiging sanhi ng traffic? Ano ang iyong mararamdaman?Umagang umaga palang ang iyong mukha ay nakalukot na.

       Matinding tiyaga at pasensya ang iginugugol ng bawat tao sa traffic. Ngunit hanggang saan pa ang kayang tiyaga? Gaano pa kahaba ang pasensya? At talaga namang bawat isa sa atin ay mas pipiliin na ang traffic ay maalis at maging maayos.

      Disiplina. Ito ang kailangan ng bawat isa sa atin. Drayber man o pasahero, lahat tayo ay kailangan ng disiplina. Dahil kung tayo ay may disiplina tiyak na ating susundin ang mga batas trapiko upang traffic ay maalis. Traffic, traffic dapat maalis. Lahat tayo ay kaisa dito upang traffic maalis, at maayos na daloy ng trapiko ay makamit.

 

 



Today: Krystal is counting on you

Krystal Domingo needs your help with “Mayor Jay : Traffic traffic dapat maalis”. Join Krystal and 101 supporters today.